Bakit Nag-aayuno Ang Mga Muslim?
Bilang mga Muslim, kami ay naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay nilikha tayo para sa isang layunin sa buhay na ito, at ang Diyos ay nag-utos sa atin na gawin ang ilang mga tukoy na bagay alinsunod sa layuning ito na pakikinabangan natin habang tayo ay naririto, at sa Kabilang-buhay. Ang pag-aayuno ay isang gawang pagsunod, pag-ibig at lubusang pagsuko sa Diyos. Ang pagsuko at panatang ito ay nakabatay sa pag-ibig ng Diyos at maalab na pagpupunyagi para makamit ang Kanyang kaluguran at iwasan ang Kanyang pagkayamot. Si Allah ay nagpahayag sa Kanyang Maluwalhating Qur’an:
“O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno gaya ng pagkasatungkulin nito sa mga nauna sa inyo nang harinawa kayo ay mangilag magkasala.” [Maluwalhating Qur’an 2:183]
Ang Diyos ay nilikha ang mga tao mula sa pisikal at espiritwal na bahagi. Mayroong pagkain para maibsan ang pisikal na bahagi kagaya rin ng pagkain para sa espiritwal na bahagi. Kagaya ng naunang binanggit, ang pinakamahalagang layunin ng pag-aayuno sa Ramadan ay para marating ang “Taqwa”, katagang Arabeng nangangahulugang [kamalayan sa Diyos] - pagkakaroon ng napakadakilang pag-ibig para sa Diyos ganundin ng pagkatakot sa Kanyang parusa, at pagkakaroon ng kabanalan at pagpipigil sa sarili.
Bilang mga tao, batid natin ang mga tukso at mga pamamaraan ng mundong itong nakahilig na pinsalain ang ating kalinisan. Kaya kung tayo ay magpasasa sa pagkain, mga laro, at pakikipagkasiyahan sa lahat ng oras, pinakakain lamang natin ang pisikal na bahagi at pinababayaan ang aspetong espiritwal. Kapag ang isang tao ay nag-aayuno, pansamantala nating isinasantabi ang aspetong pisikal ng katawan at nakatuon tayo sa bahaging espiritwal. Nakatuon tayo ng higit sa pagdarasal, pagbabasa ng Salita ng Diyos [Qur’an] at nakatuon sa kung ano ang nais ng Diyos sa atin. Ang lahat ng ito ay nagkakaloob ng isang pagkakataon para sa muling pagkabuhay ng espiritwal - isang uri ng taunang espiritwal na pagsasaayos at paglilinis, kung nanaisin mo. Kagaya ng winika ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya]:
“Sinuman ang hindi iniwan ang huwad na salita at mga gawang masama, si Allah ay hindi nangangailangan ng kanyang pag-iwan sa pagkain at inumin [hal. Hindi tatanggapin ni Allah ang kanyang pag-aayuno].” [Sahih AlBukhari]
Nilikha tayo ng Diyos at nababatid Niya kung paano tayo nabubuhay. Nababatid Niya kung ano ang mainam para sa atin upang ilayo ang ating mga sarili mula sa ilang mga bagay para sa ating espiritwal na pakinabang. Nababatid Niya na ang ating espiritu ay naghahangad ng pagkain kagaya ng ating katawan. Kaya bakit, kung gaano ka kahirap ay ganun ka rin kalapit sa Diyos? Paanong ang kahirapan ay katumbas ng higit na kasiyahan? Kung kaya ang pag-aayuno ay nagpapataas ng pakiramdam ng panloob na kapayapaan, kasapatan at pagkapositibo. Ang ganitong pakiramdam ay bunga mula sa kaganapan ng kaluguran ng Diyos. Ang kusang-loob na pag-iwas sa mga ipinapahintulot kinahihiligan ay nag-aakay sa isang tao para pahalagahan ang mga biyaya ng Diyos, na kadalasan ay isinasawalang-bahala.
Ano Ang Ilang Mga Medikal na Pakinabang?
Ang medikal na mga pakinabang ng pag-aayuno ay hindi na bago sa medikal na pananaliksik. Sa katunayan ay ang tatlong ama ng kanluraning medisina, sina Hippocrates, Galen, at Paracelsus ay nagtagubilin na ang pag-aayuno bilang “pinakadakilang lunas” at ang “manggagamot sa loob”. Ang “Life Magazine”, sa latlaha nitong Septiyembre 1996, itinuturing na ang pag-aayuno na “rebolusyong panlunas”. Mayroong mahigit na isang libong medikal na pahayagang artikulo ang mayroon sa pag-aayunong panterapeutika sa internet. Ang napakahusay na mga manggagamot ay pinangalanan ang pag-aayuno bilang “medicine for the 21st century o gamot para sa ika-21 siglo”. Si Doktor Otto Buchinger, mahusay na teraprutang Aleman ng pag-aayuno, matapos ang mahigit na 100,000 napagaling ng pag-aayuno ay nagsabing:
“Ang pag-aayuno ay walang alinlangang pinakamabisang biolohikong paraan ng panlunas.”
Si Doktor Joel Fuhrman sa “Fasting And Eating For Health” ay naitalang nagsabi:
“Ang pag-aayuno ay makailang ulit napatunayang pinagagaan ang neorosis, pagkabalisa, at depresyon.”
Si Michael Rosenbaum, M.D. at direktor ng Orthomolecular Health Medicine Medical Society na nakabase sa California, ay nagtala sa kahalagahan ng pag-aayuno bilang programa ng paglilinis sa loob ng katawan:
“Nililinis at pinapalusog ang iyong mga selula at ikaw ay nasa daan para sa higit na maayos na kalusugan. Ang pag-aayuno ay isang karanasang may bisa, ito ay nagbibigay pakinabang sa anuman o iba pang malusog na tao na ang kalori ngayon ay nangingibabaw sa kanyang buhay.”
Ang dokumentaryo ng Horizon ay isinahimpapawid sa BBC 2 na pinamagatang “Eat, Fast and Live Longer”, matapos ang malalimang pananaliksik na natuklasan nila ang tinatawag nilang diyetang 5-2; kumain para sa 5 araw kagaya ng karaniwan at mag-ayuno para sa 2 araw. Ang pagsunod sa ganyang kagawian ay gagawing higit na malusog ang ating katawan.
Ang Horizon ay pinagtibay ang hindi nagbabagong tradisyon ni Propeta Muhammad ﷺmahigit 1,400 taon ang nakaraan, na kung saan siya ay nagtagubilin sa mga Muslim na mag-ayuno ng dalawang araw sa loob ng isang linggo. Ito rin ay pinatotohanan ang hindi nagbabagong tradisyon ng mga propeta at mga matutuwid na tao ng mundong ito.
Ang Diyos ay nilikha tayo at nalalaman kung ano ang pinakamainam para sa atin. Layunin ng Diyos para sa atin ang isang tunay na landasin para sa buhay upang tayo ay magkaroon ng pinakamainam sa buhay na ito at sa Kabilang-buhay. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag sa kanyang Maluwalhating Qur’an:
“...ito ay ang daan Ko—tuwid kaya sundin ninyo ito. Huwag ninyong sundin ang ibang mga daan sapagkat magpapahiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa daan Niya. Iyon ay iniatas Niya sa inyo, nang harinawa kayo ay mangilag magkasala.” [Maluwalhating Qur’an 6:153]
Ang Diyos ay nagpahayag din sa ibang talata:
“Manatili sa Relihiyon ni Allah. Sino pa ang higit na magaling kay Allah sa pagtatag ng relihiyon? Tayo ay sa Kanya sumasamba.” [Maluwalhating Qur’an 2:138]


















