9:30PM. Time for bed. Don’t forget to pray.
In the Name of the Father, of the Son and of the Holy Spirit. Amen.
Salamat po sa magandang araw! Pangit man po nagsimula dahil sa late ako sa unang klase ko kasi sobrang trapik sa EDSA, atleast buhay pa po ako at di po ako kasama sa nagbanggaan sa may Q.Ave. at sa mga pasahero ng MRT na muntikan na madiskaril ang riles. Dumagdag po sa trapik ang sunog sa isang bar sa may Tomas Morato na nakadamay sa iba pang bars at sabungan, at isang maliit pagawaan ng sigarilyo na bahagya lamang naapektuhan. Pero kawawa po sina Mang Doming, may ari ng tindahan na katabi ng sabungan na kasama sa natupok ng apoy, balita ko po kasi isasara na nila ni Aling Marita ang tindahan nilang iyon kasi di na nila kayang magbayad sa pagkataas-taas na buwis na sinisinggil ng gobyerno. Tanging yun nalang ang sumusuporta sa kanilang pang-araw-araw at sa pag-aaral ng kanilang bunso, nawala pa. Di naman makahanap ng trabaho ang panganay nilang anak dahil sa kulang ang trabaho sa Pilipinas at di rin ganoon kalaki ang kita ng kanyang pangalawang anak. Kawawa naman po yung anak niyang titigil sa pag-aaral. Paunti ng paunti nang nauubos ang mga Pag-asa ng Bayan. Aalis na rin po papuntang Qatar si Aling Maritas para maging DH. Di na daw po talaga nila kaya ang mga gastos at babayarin kung dito lang sila mamamalagi sa Pilipinas. Gabayan po niyo sila at kaawaan Lord.
Sa klase naman po, napagalitan ako kasi nakalimutan kong isuot ang suit and tie na required sa English major ko. At di ko raw po nasunod ng maayos ang sanitary standard na nasa hand-outs na binigay niya sa amin noon last meeting. Hay, maayos naman po ang pagligo ko. Ewan ko pa kung pano ba talaga masasabing malinis ang isang tao. Eh yung American Health Association daw po yung nagset nun kaya yun daw po ang tama. Hay, naku talaga Lord. Nakakastress na.
Pagdating ko sa bahay, nanuod ako ng balita. Puro Napoles, Enrile, Estrada, Aquino, Revilla. Parang sila pa yung nandito last week ah. Aba’y sikaaat! Pero wala bang next episode? Hay talaga Lord. Ninakawan na naman daw ang Pilipinas. Di ko na alam kung may pera pa ba tayo. At alam mo Lord, bakit kaya palaging magkasama si PNoy at si Obama? Bestfriends na ba sila? Wala na rin akong balita sa showbiz eh. Baka siguro halos di ko na kaya mag-English sa klase at palagi akong napapagalitan dahil sa di ko masunud-sunod ang sanitary standard ng American Health Association. Tsk. Help me Lord.
Mahaba ata prayer ko. Pasensya na Lord ha. Stress na stress lang talaga. At sa pangwakas, tulungan niyo po ako, Panginoon na maging matapat at aktibong mamamayan ng aking bansa. Gisingin niyo rin po mga puso ng mga kababayan ko. Please Lord. Maraming salamat po! Sana di na po trapik sa EDSA bukas. Good night! Love you Lord!
In Jesus Name I pray, AMEN.