Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang liham na ito, pero alam ko kung papaano tayo nagsimula at masayang humantong sa ganito..

seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Saudi Arabia
seen from Russia

seen from Brazil
seen from China
seen from Canada

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from Brazil

seen from Australia
seen from Brazil

seen from Italy

seen from Russia
Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang liham na ito, pero alam ko kung papaano tayo nagsimula at masayang humantong sa ganito..
Di mo na ako kailangan (2)
nahanap mo na ang iyong tahanan. (2/20/2023) 3:53AM
Dear J,
2/18/2023, Saturday may klase ako until 6PM. Dapat may imeet akong friend nun pero nagcancel siya kaya sumama nalang ako sa mga kawork ko na 6PM din yung out nila. Nagkaayaan sa mcdo morayta daw nila gusto kumain. Habang naglalakad papunta dun, kwentuhan hanggang sa pagpasok dun hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Dahil dun 2 beses tayo nagkita. Yung isa ikaw lang magisa nandun sa baba sa sulok kita dun ka nakaupo, yung isa nasa taas tayo at kasama mo si clyde na yun yung isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan na sinurprise mo ako, binili mo ako ng venti na favorite java chip at lumipat tayo sa mcdo morayta para tikman yung luto mo sakin na chicken curry na favorite ko (miss ko na mga luto mo). Habang nagoorder mga kawork ko ng pagkain nila tinanong nila kung bakit hindi daw ako oorder, ang sabi ko busog ako pero ang totoo niyan wala akong gana. Habang nagkukwentuhan sila natatamihik ako at pinagmamasdan ko yung mga pwesto na nandun tayo. Naiiyak ako nung mga oras na yun pero pinipigilan ko lang, kasi kahit saan nakikita kita. Wala narin oras yung pagiisip ko sayo, at pagbbreakdown ko. Sa bus, jeep, habang naglalakad, kahit saan kahit anong oras. Nandun ka kahit saan ko ibaling atensyon ko nandun ka. Iniisip ko kung iniisip mo pa kaya ako? O hindi na talaga. Patapos na sila kumain sakto na magtext ka at inaya mo ako sa SM north pauwi bulacan. Isa pang masakit hindi na ako yung pinupuntahan mo sa bulacan. Hindi ako yung pinaka rason. Hindi ako yung gusto mong makita, hindi ako yung gusto mong makausap, hindi ako yung gusto mong makasama. Hindi ako at kahit kailan hinding hindi na ako. Nung nagtext ka, sabay ako takbo paalis at papunta sayo dahil alam ko pagkakataon ko na yun para makita ulit kita. Dahil sa mga araw at oras na hindi kita nakikita nanghihina ako at walang gana sa lahat. Gusto kita makita kahit sandali para ganahan ulit ako kahit onti lang at kahit masakit. Inaya mo ako at pumapayag ako kahit masakit kasi sabi ng isip ko bakit? Bakit lumalapit ka pa sa taong hindi ka na kailangan at hindi kana mahal? Kaso wala eh, mas nasusunod yung puso ko dahil pakiramdam kong namamatay ako araw araw pag wala ka. Iniisip ko paano nanaman ako gigising at paano nanaman ako makaka survive ng wala ka? Sobrang sakit sobrang hirap.Tumakbo ako at nagmadali papunta sayo. Nung nandun na ako at nakita ko na kita/kayo nabuhayan ulit ako ng loob, na kahit hindi na ako mahal ng tao na to tatanggapin ko kasi mas hindi ko kaya na hindi siya makita. Pero maraming senyales na wala ka na talaga pake sakin, tulad ng pagdating dun hindi mo na ako naisip bilhan ng ticket din sa bus. Kahit simpleng ganun hindi mo na ako naisip, wala na talaga ako sa isip mo ibig sabihin hindi na ako importante. Sumakay nalang tayo sa private van dahil matagal ka ng naghihintay stress ka na gusto mo ng umuwi bulacan kasi alam ko may mga naghihintay na sayo dun. Hindi ko rin alam bakit ka nagtext sakin. Dahil wala ka kasama umuwi? Para lang may kasama ka? O trip mo lang ako nun makasabay umuwi. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip mo. Pagsakay sa van nasa likod kayong dalawa at nasa harap mo ako. Habang nasa biyahe pinahawak mo sakin yung bag ni clyde sa oras na yun salamat kasi naramdaman ko may silbi ako kaya salamat. Habang nasa byahe bigla mong inaayos yung buhok ko, sinuklay mo at pinuyod mo. Habang ginagawa mo yun dimo alam umiiyak na ako kasi sobrang miss ko yung mga hawak mo sakin. Minamasahe mo rin yun likod ko ng onti at hinihimas himas mo rin yung braso ko hanggang sa medyo malapit na tayo sa bocaue exit unti unti mo inabot yung kamay ko para maghawak kamay tayo. At naghawak kamay nga tayo hanggang sa may bumaba na pasahero at nagkatabi tayo at hinawakan mo ulit kamay ko, hinawakan mo mukha ko at hinayaan mong sumandal ako sayo kaya salamat sa mga pagkakataon na yun naramdaman ulit kita. Pero wag ka magalala alam ko namang hanggang dun nalang talaga. Tinanong mo pa ko kung gusto ko ng tubig at tinanong mo ako kung gusto kong kumain tayo. Akala ko makakasabay ulit kita kumain nun pero hindi. Iba yung mga tao na gusto mong makasama kumain at pag stress ka. Nakakainggit. Sana ako nalang sila para nakakasama kita kumain at nasasabi mo sakin mga stress mo. Pero wala na e. Hindi na ako. Hindi na ako yung gusto mong makinig sayo tungkol sa mga rants mo, hindi na ako yung gusto mong makasabay kumain. Hindi na ako, at hinding hindi na magiging ako. Pagbaba ko, kumain ako mcdo sa sta clara. Pagkalabas ko habang naglalakad nakita ko kayo kumakain dun. Pasensya na pero sa totoo lang nandun ako sa labas nakasilip pinagmamasdan kita kung gaano ka kasaya. Halatang masaya ka at hindi mo ako iniisip. Pasensya narin kasi hanggang sa umalis kayo nandun ako mga 12pm na kayo umalis nun. Pasensya kana kung parang stalker ako nung mga oras na yun. Yun lang kasi yung mga oras na medyo matagal tagal pa kitang makikita na nageenjoy kumain. Tapos nagtext ako sayo nun at nagreply ka naman na parang kaibigan mo lang ako kung kausapin mo. Na kung bakit di ako nagpakita sayo/sainyo. Syempre nahihiya ako nun kasi alam kong hindi nila ako tanggap na ganito kasi bawal lgbt diba? Kaya mas pinili ko na silip silipin nalang kita kasi hanggang puro silip nalang ako sayo kasi di na kita nakakasama tulad ng nakakasama mo sila. Pasensya narin kung nagpupunta akong church niyo para lang silipin ka, wala akong ginagawa promise silipin ka lang saglit ayos na ko tas umaalis rin naman ako agad para hindi nila ako makita. Kinabukasan 2/19/2023 nagtext ka sakin kasi gusto mo ng kape, mahal yung mga rider kaya nag insist narin ako na bilhan kita. Pasensya na malamang tunaw na nung maabot ko sayo kasi ang traffic sobra. Tapos tinext mo parin ako after nun. Umalis ako nun pero tinatanong tanong mo ako kung nasan na ako. Sinasagot kita pero wag ka magalala di ako nagiisip kung concern ka sakin o nagaalala ka sakin o kung gusto mo lang malaman kung nasaan ako. Wala di ako nag aassume ng kahit ano kasi alam ko naman kahit dimo sabihin alam ko wala lang yun. Nagtatanong ka lang period. Pero ayun nakita ko sa instagram nag heart react ka sa post ko na kanta ng the juans na pinuntahan ko sobrang sakit nun kasi parang agree ka na “pinagtagpo pero hindi tinadhana”. Minsan sa mga signs na yan o actions na ginagawa mo gusto ko nalang mawala bigla kasi hindi ko na alam saan ko ida-divert yung pain na nararamdaman ko. Sobrang mix signals lahat pero wag ka magalala lahat naman nun tinatatak ko sa isip ko na wala lang yun. Hindi mo na ako mahal. Hindi na ako worth balikan, hindi na ako worth bigyan ng pagkakataon, hindi na ko worth mahalin ulit, hindi na ako worth maalala, hindi na ako worth kausapin, hindi na ako worth makasama, dahil alam ko sayanag nalang oras mo sakin ramdam ko. Hindi na ako worth ipaglaban pa, hindi na ako worth it para maging parte ng buhay mo. Pero minsan kinakausap mo ko, minsan may pagkikita na ganyan. Salamat po sa mga minsan kasi alam ko naman hindi na ako worth na ako yung palagi, hindi na ako yung dapat madalas. Salamat sa mga pagkakataon na yun kasi gaya ng sabi mo bago mangyari yan lahat halos araw araw isang beses lang ako kumakain at hindi ako nakakatulog ng maayos. 2 weeks mahigit na kong ganito, pati singaw ko 2 weeks narin kaya di ako makakain maayos dahil siguro naguulcer na ko. Wala e, kahit gusto kong kumain hindi ko magawa, hindi narin ako makakain ng maayos, ng tama. Hindi tulad ng dati na palagi akong may gana. Ngayon parang walang lasa mga pagkain, hindi ako nageenjoy sa pagkain. Kahit tubig ang onti ko narin uminom. Pasensya kana ha kasi dahil ganito ako, nasasaktan parin kita. Hindi ko alam kung ano ginagawa mo, ano yung mga actions mo sakin, hindi ko alam kung naaaw ka lang ba sakin o namimiss mo ba ako, o kaya trip mo lang. Kasi alam ko naman mga pinapakita mo sakin false hopes. Mas masakit pinapakita mo sakin kasi alam kong hindi mo na ako kailangan at dimo na ko mahal. Pero kahit gaano kasakit tinitiis ko kasi dun lang nabubuhayan kapag nakikita, nakakausap, at nakakasama ka. Wag ka magalala dadating rin yung araw na pinaka hihintay mo na mawala na ako ng tuluyan. Dahil sakin mas gumanda ang buhay mo diba? Mas napush ka sa environment na mas kailangan mo sa buhay mo at malinaw naman sakin na hindi ako parte nun. Ngayon unti unit kong naiisip na mas gusto ko kasama mo yung mga tao na nakakapagpasaya sayo kesa kasama kita kasama mo ako pero hindi ka masaya sakin mas masakit yun. Kaya eto ako pasilip silip nalang, patuloy na mamahalin ka sa malayo. Mas gusto ko nakikita kang masaya kahit hindi na ako yung dahilan. Wag ka magalala mahal ko mapapagod rin ako at mawawala rin ako ng tuluyan sa buhay mo gaya ng gusto mo. Matutupad ko yun pangako. Nahihirapan lang ako ngayon pero kinakaya ko para sayo kasi eto yung gusto mo. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Maghihintay ako pero hindi na ako aasa.
2/13/2023 3:48 AM (1)
Dapat tulog na ako ngayon, kaso hindi ako makatulog dahil maraming dumadaan sa isip ko na hindi ako pinapatulog. Gusto ata lagi akong puyat, hindi ata titigil kakaisip hangga’t hindi ako magkasakit, pero syempre huwag naman sana. Mahirap pala yung ganito na may isang tao kang iniisip na iniisip mo kung naiisip kapa ba. Pero sa tingin ko hindi na, patuloy na niyang pinipilit na makalimutan ako, makalimutan mga pinagsamahan, at ang pagmamahal. Ganun siguro talaga pag napagod na talaga ang isang tao sayo na kahit anong gawin mo wala na hindi kana kakausapin, hindi kana papansinin, hindi kana maaalala, hindi kana iisipin. Masakit, sobrang sakit pero kailangan tanggapin. Ganito ba talaga ang pagmamahal? Magiging kampante ka at pag nangyari yun mapapagod ka, at pag napagod ka susuko at bibitaw kana. Wala dapat sisihin kasi bakit nga ba? Pag mahirap at masakit na dapat naman na talagang sumuko diba? Kasi hindi kayo para sa isa’t isa? Pero bakit kayo nagtagpo kung hindi naman pala, bakit ang daming binuong alaala, mga pangako, at mga pangako kung hindi naman talaga? Bakit pa kinailangan masaktan? Bakit? Bakit hindi ka tumitigil tumakbo sa isip ko? Kada araw kada pagdilat ng mata at pagpikit pag tulog hindi ka mawala sa isip ko. Dapat naba talaga sumuko? Wala naba talagang pagmamahal? Kahit konting oras pwede bang manatili ka? Masyado akong naging kampante na akala ko kahit anong gawin ko hinding hindi mo ako susukuan. Pero binigyan kita ng maraming dahilan para sumuko alam ko. Sana malaman mong nagiisip na ko ng kinabukasan nating dalawa. Pamilya, bahay, masaya, hindi masaya, away, bati. Hindi na mababawi lahat ng pananakit ko sayo, kung pwede lang kung pwede pa habang buhay ko gustong iparamdam sayo kung gaano ako nagsisisi at kung gaano kita kamahal. Bakit hindi ko nakita? Na mahal mo talaga ako. Bakit nabulag ako sa “akala” akala ko tayong dalawa na hanggang huli kahit anong mangyari. Araw araw kong pagsisisihan lahat ng nagawa ko, halos hindi ko makaya bawat oras at araw nanghihina ako. Pero wala na, hindi na ako parte ng buhay mo. Hindi na ako parte ng mga plano mo sa buhay. Kung maibabalik ko lang konti yung oras sana nabawi pa kita, sana nabago ko pa, sana hindi kita iniwan, sana hindi kita nasaktan, sana nakinig ako sayo. Pero puro sana nalang lahat ng to. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa kita mamahalin, pero wala na kong ibang nakikita na makakasama ko kundi ikaw lang mahal ko. Sana tayo nalang ulit. Sana ako nalang ulit. Im sorry sa lahat mahal, pakiusap bumalik kana.
hello chu
akala ko medyo umookay na ko but hindi pa pala. kausap ko kagabi si homer and sinabi ko na sa kanya. i can’t help but maiyak na lang habang sinasabi ko why i am in this situation. pakiramdam ko kasi palayo ka na ng palayo kaya wala akong choice kundi subukan kang pabalikin.
hello chu
hindi nakapasok si celeste sa top 16, sayang no? since miss universe today, naalala mo ba mga kwento ko noon sayo? as someone na was in a relationship sa taong addict sa pageants hehe i hope you do.
ikaw? kamusta araw mo? btw, naisipan ko lang gawing dp dito yung photo natin. we were so happy then 🫶🏻
i miss you.
hello chu
choose me.
Mang.ga.ga.mit.
Isa kang certified user. Ngayon naiintindihan ko na. Nagising rin ako sa katotohanan. Maraming salamat sa lahat ng taong sumubok na untugin ako para lang makita at ma-realize ko na ginagamit mo lang ako para dyan sa katangahan mo. Oh well, hindi narin ako magtataka nakikita ko naman kung gaano ka kadesperada para sa kanya na kahit ilang beses kang pinahiya at pinagmukhang tanga eh ayan ka parin at nagkakandarapa maghabol. At sa lahat naman ng bagay at tao talagang yan pa ang pinagmamalaki mo sa amin. Sana lang hindi ka nagkamali ng pinasok at kinampihan. Di rin kita masisisi kung nagpapakabulag ka dyan at hindi ka marunong manantsa kung sino ang nasa tama at sino ang mali. Sabi nga nila bakit pa daw kita pinagtyatyagaan samantalang kung anu-ano na ang pinapakita mo sakin. Ha! Well di naman kasi ako pumapatol sa hindi ko ka-level at mas lalong di ako pumapatol sa immature at wala sa tamang pag-iisip na tao.
Wag ka mag-alala, kasi hindi ko gagawin sayo yang mga pinaggagagawa mo dahil may pinag-aralan akong tao at mas lalong marunong ako umunawa at bukas ang isip ko sa kung anong talagang nangyayari.
Sayang..dahil akala ko worth it ang taong pinakikisamahan ko at ipinagtatanggol ko sa lahat. Hindi ko akalain na sa lahat naman ng taong pwedeng magbago at mang-gago sakin..eh ikaw pa. At mas lalong di katanggap-tanggap na para lang sa lalaking halos isuka ka araw-araw at ipahiya-hiya ka sa harapan ng marami.
I just hope na di mo pagsisihan na mali ang side na pinaglalaban mo at wala kang ginawa para maging maayos ang lahat. Salamat narin sa mga naitulong mo. Di ko rin naman maikakaila na sa maiksing panahon ay natulungan mo ko sa ibang bagay. Di ako nanunumbat..dahil bukal sa loob ko ang pasasalamat na naging bahagi ka ng buhay ko kahit sandali. Pero since ikaw nalang rin naman ang nagumpisa..tatapusin ko para at least hindi na tayo dumating sa point na nagpa-plastic-an nalang tayo.
*Maging masaya ka sana sa malaking desisyon na ginawa mo.
happy birthday, iloveyou!