first.
Una.
Ito ang una
pero sigurado ako
hindi ito ang huli.
Sakit.
Ang sakit na dumudurog sa buong pagkatao mo.
Mula pag-gising hanggang sa pagtulog,
Mula agahan hanggang sa hapunan,
Mula pagmulat hanggang sa pagpikit,
Walang ibang dala kundi ang sakit na ibinigay mo
Sakit na yumayakap hanggang sa panaginip
Sakit na sumisira sa mga bagay na dapat ay okay naman
Bakit nga ba ang hirap iwasan?
Bakit nga ba kailangan masaktan?
Ang hirap.
Ang sakit.












