Alam mo yon? Madami akong thoughts. Yung tipong kaya ko na ba na wala ka? Kaya ko na bang makita ka na may iba ng kasama. Kaya ko na bang tiisin ung sakit? Mahirap kasi magdesisyon kapag di buo yung loob eh. Marami pa kasing pwedeng mangyari, kaso tangina masaya ka pa ba? Masaya pa ba ko? Marami akong pagkukulang eh. Marami akong pagkakamali sayo. Kahit na tinanggap mo pa din ako, alam ko may nawala na may nagbago na. Mahirap mag stick sa taong nagbago na. Yung tipong hindi na ikaw yung minahal ko noon. Hindi ko na alam kung handa na ko. Basta ang alam ko kailangan na.









