Minsan ba natanong mo na sa sarili mo kung anong silbe mo sa mundo?
Bakit ko pa ba kailangan gawin lahat ng to, kung ang silbe ko lang naman pala sa mundong to e yung mapasaya ang mga tao sa paligid ko. Pwede ko namang gawin yun ng hindi ko kelangan mag-aral at magpuyat gabi-gabi kasi ang bobo ng prof ko. May nakapagsabi nga saken, mamatay din naman tayo e. So para sa'n pa lahat ng to?
Minsan ba naisip mo kung bakit kailangan mag-mahal ng tao?
Kaya tayo nag-mamahal kasi gusto lang nating may mag-mahal saten in return. Pero kada attempt mong sumaya, ilang beses ka munang masasaktan at makakasakit ng iba. Pero sa huli, maghihiwalay din pala.
Minsan ba naisip mo na lahat ng bagay sa mundo may hangganan? Na lahat ng to pansamantala lamang. At wala kang magagawa kundi sumabay sa agos nalang? Lahat ng bagay may katapusan, kaya bakit pa kailangang simulan ang isang bagay na mag-tatapos lang din naman?