Di ko naman sadya
Wala pa naman akong balak magmahal. Masakit kasi 'yun at nakakatakot na din. Nakakatakot na baka maulit muli ang nakaraan, na puro sakit na lang ang naramdaman.
Ngunit nakilala kita. Salamat sa aking kaibigan na pilit akong nilalapit sayo. Bakit ba kasi kailangan nilang gawin iyon? Lalo na't alam nilang marupok ako.
Marupok talaga dahil sa mga ginagawa nila, nahulog ako sa'yo. Mukha ka kasing anghel na nahulog sa langit. Baka padala ka ni Lord sa'kin?
Sana nga ganun ang nangyari. Ngunit iba pala ang iyong gusto. Nakisama ka lang pala sa mga asarang ginawa satin. Akala kasi nila magkiclick tayo, kaso ako lang yung nahulog sa patibong.
Hindi ko naman sinadyang mahalin ka, talagang marupok lang ako. Hindi ko naman sadya ang lahat ng ito, ngayon ay aayaw na ako.












