Pag-ibig by Spongecola (Cover Gabbi Garcia) Ako'y palabas ng simbahan ng may mamataan. Isang batang babae na nakakuyom ang palad, na sa wari'y ko nasa apat na ang edad. Lumapit siya sa isang matanda sa may pintuan at may iniabot dito. Di ko mapigiling ngumiti. Sa aking isipan ay nawari. Siguro... Gumaganda ang paligid Kung bawat tao Ay puno ng pag-ibig Napapawi ang pighati Masilayan lang ang iyong ngiti O kay gandang isipin Ang isang mundong puno ng pag-ibig Ano kaya ang mangyayari kung busilak lahat ng puso ng mga tao sa mundo? Kay sarap sigurong tumira sa mundong walang pait, inggit , o kaya naman ay galit. Pero imposible di ba? Hayy. Mapapakanta ka na lang talaga... Oh, oh, oh Oh, oh, oh Oh, oh, ohhhh Sa aking paglalakad, may nakasalubong akong isang dalaga. Nakatingin siya sa kanyang cellphone at hindi maitago sa kanyang mala-anghel na mukha ang galak at kilig. Siguro ay katext niya ang kanyang iniibig. Ang kanyang ngiti ay... Parang isang bulaklak Na ka'y ganda Na inabot mo Sa iyong sinisinta Ang iyong nilaan na pagmamahal Ang dulot nito ay tunay na ligaya Sa kabilang dako ng kalsada, may mag-asawang matanda. Hindi sila makatwid sanhi na rin siguro ng maraming sasakyang nadaan. My grupo ng kabataan na nagtatawanan. Sabi ng isa "Tulungan natin sina lola." Muli isang mabining ngiti ang namutawi sa aking mga labi. Tama nga... Pag-ibig na ang susi Nararapat lang ibahagi
















