Kung Sakaling Maisip Mo
kung sakaling maisip mo, kay tagal ko nang hiniling sa mundo
magtagpo ang gusto mo sa gusto ko, magtagpo ang ikaw at ako.
dalawang taon na kong tumitingala sa langit, nag iintay ng grasya na sana
pag gising sa umaga, mahal mo na ko, masaya tayo, tapos na ako umasa dahil mahal na natin ang isa’t isa
pero kulang pa ata ang dalawang taon, kulang pa ata ang mga bituing nakasilip sa gabing madilim
di pa ata sapat ang mga santong dinasalan para ibigay ka sakin o baka di talaga tayo para sa isa’t isa.
Umaasa ako, umaasa parin sayo, kahit nahihirapan na ang puso kahit gulong gulo na ang buong pagkatao
ayoko tumigil, mahal kita, ayoko sumuko, ikaw lang talaga
kaya kung sakaling maisip mo na mahal mo na ko, mamahalin kita higit pa sa binigay ko sayo noon,
mamahalin kita ng higit pa sa kayang ibigay ng mundo sayo
dahil ikaw na ang mundo ko, bahagi ng buhay ko,
di ako magsasawa titigan ang mga mata kasing kinang ng mga bituing minsan ko nang dinasalan
dahil sa oras na yon, pinagtagpo na tayo, meron ng ikaw at ako
mahal kita at mahal mo ako, habang buhay
111317













