Gusto kong sabihin sa mga tala, ang lahat mga bagay na di ko mailabas at di ko magawa.
Isang gabi na naman na puno ang isipan.
Mga bagay at pangarap na di ko maabot.
Ni hindi ko nga alam kung saan ko sila pupuntahan.
Ito ba ang tamang daan? Papunta sa tamang pintuan?
Pagod na akong kumatok, pagod na akong matalo, pagod na ako sa mga laban na hindi ko maintindihan kung para saan.
Ayoko ng isipin, ayoko ng magisip, dahil mahirap pasanin ang mga bagay na nagpapabigat sakin.
Gusto kong sabihin sa buwan, na gusto kong humingi ng tulong sa kanya, magsumbong-isumbong lahat ng bagay, magsumbong na lang dahil pagod na akong mangatwiran.
Hindi ko alam kung naliligaw ba ako, o tama lang ang daan papunta sayo.
Aking pangarap, sana mahintay mo ako.
Sana andiyan ka pa kapag tumama na ang mga daan na tinatahak ng mga paa ko.
Isa lang akong payak na tao, na nangangarap na marating ang lugar sa piling mo.











