Girlfriends! :(
Hoy, mga kupal! Miss ko na kayo. :( Lalo ka na Kiezelita, peste ka. Uwi na! UWI! Hahahaha. Nakakabaliw naman. Di pa ko tapos sa requirements pero yung utak ko nasa sembreak na. Gala na tayo guys. Huhu. Nafi-friendsick na ko eh.
seen from Trinidad & Tobago
seen from United States
seen from Jordan
seen from Indonesia
seen from Pakistan
seen from United States

seen from Australia
seen from Azerbaijan

seen from Germany
seen from China
seen from Indonesia

seen from Singapore
seen from United States

seen from United States
seen from Lebanon
seen from United States
seen from Bangladesh

seen from Canada
seen from United Kingdom

seen from United States
Girlfriends! :(
Hoy, mga kupal! Miss ko na kayo. :( Lalo ka na Kiezelita, peste ka. Uwi na! UWI! Hahahaha. Nakakabaliw naman. Di pa ko tapos sa requirements pero yung utak ko nasa sembreak na. Gala na tayo guys. Huhu. Nafi-friendsick na ko eh.
Ang dami kong gustong chansingan bukas sa FHMU. May mga nakalista na nga sa utak ko yung mga crush ko, unfortunately, may midterms kami sa Tuesday. Tatlo. At pre-requisites pa. Tae talaga.
Kung nakikinig siguro ko sa klase, kaya ko isingit yung meet up. :'( Kaso wala pa sa kalahati ng ieexam yung naaaral ko.
Aaralin ko pa yung Bill of Rights.
Magrereview sa Article I & II.
Maghahanap ng note sa Humanities. (puro reporting kase, nakakatamad magnotes kaya natutulog na lang ako. lol.)
Mag-aaral sa English. (Dito ako kinakabahan eh, lagi akong late at absent dito dahil first subject. Ang dami kong na-miss na quiz at seatworks kaya pumasa sana ako sa mid at finals. Kundi, di ako makakapagtake ng Debate and Argumentation next sem. Huhu.)
Meron na lang akong...
Ngayong gabi
Bukas ng maghapon
at Monday
... para magreview.
Kasi mag-sleepover kami ng Girlfriends ko bukas, at sa Sunday dunno pero magkikita kami ni RA pagka-out nya sa office. Tas ewan kung kelan ulit kami magkikita. </3 Hahahaha.
Hi guys! Just got home from Emerald's crib. So jeje. HAHAHAHA.
Ayon nga at medyo kakauwi ko lang plus kumain ako at nagpahinga. Di na ko nakapunta sa SOLS, andun pa naman yung ibang Lunica :( Tapos magrerequest pa ko ng Form137A ko at magbabayad na naman ng 150. Hahaha. Nyemas.
Kahapon kasi pumunta ako kanila Em sa may Commonwealth tapos nagkandalagpas-lagpas pa ko ng binabaan. Idagdag mo pang hindi ako gaanong natutuwa sa iba kong ka-grupo. Bah! Badtrip. Sabi ko kasi kay Manong Driver ibaba ako sa Jollibee Villonco eh. Tae. Kaya ayokong nagco-commute mag-isa tas di ko alam yung itsura ng pupuntahan ko.
Tas yun na nga, pagdating kanila Em gawa-gawa kunwari ng docu namin. Di ko na ikukwento kung ano nangyari sa docu namin. Napupunyeta talaga ko. Basta yun. Tas biglang napa-overnight ako kanila Em. Hinintay namin mag-11pm bago umpisahan. Hahahaha. Dejoke. Basta yun, hanggang umaga gising kami. 5AM na kami nakatulog. 8AM ako nagising, basta nauna ko kay Em. Hahaha.
Sabi ko after lunch uuwi na ko. Ayun, umalis kami sa kanila ng 4PM. Hahaha. Di ko pa nakopya yung movie na gagawan namin ng movie review sa Political Science. Huhu.
Marami pa kong gagawin.
Cover to cover review ng Intro to Political Science
Handouts ng report ko sa Sociology
Dalawang movie review nga sa Polsci
Finals pa sa Math
Kakain.
Matutulog.
Matutulog pa.
Matutulog pa ulit.
Tas pupunta pa ko kanila Kiezel kasi ililibre nya daw ako ng pizza. Hahahaha. Dejk, miss ko na kasi Girlfriends ko. ♥
May nakalagay kasi talaga text dun eh.
Dun sa post ko na "Nikki ♥"
Tumawag kase si Nikki habang naghuhugas ako ng pinagkainan. Tas kumakanta yung lalaking nakatira sa 3rd floor. Nagtanong si Nikki kung sino, hahaha, ang epic. Biglang huminto sa pagkanta yung lalaki tas dun ko lang na-realize na nakaloudspeaker pala yung tawag tas ang lakas pa ng boses ko. HAHAHAHA.
Nakadalawang tawag si Neki, miss nya na daw kami eh :"> Heeee. Nagkwentuhan lang kami about sa mga profs, pasikut-sikot, classmates. Nakakamiss talaga. :(
*normal friends*
"Ay, ang pangit natin dito, burahin mo. Isa pa."
*bobits and girlfriends*
"Oy puta! Ba't pacute kayo dito?! Isa pa, mamatay pachix! Bawal maganda ah!"
Namimiss ko na sila :(
Namimiss ko na yung Girlfriends ko. Yung malaking mata ni Kiezel, asset nya daw yun eh, pati yung mukha nyang pang-Wacky Queen. Yung pikunin na si Nadean, kahit laging kaming nag-aasaran nun at madalas magtampo samin gusto ko pa rin laging kasama yun. Yung laging highblood na si Chayara, isang beses mo pa lang tinatawag iritado na. Hahaha. Si Nikki baliw, Kanlungan president at beauty queen ng SOLS na biglang lumabas ang wild side mula nung nabuo yung Pornibells, kahit di nakakasama sa gala yan sobrang miss ko na yan eh. Tapos si Krystal yamot, di kasi sila makapag-nyernyer ni Alex kase di sila magkaklase. Luge sila kanila Chayara at Dabe. HAHAHA. Si Su! Isa pa yan, di kasi namin sya kaklase eh, namimiss ko nang bugbugin yan. Pati si Dhea na walk-out queen namin nun sa III-St.John. Hahaha.. Namimiss ko na sila gumala at tumambay kanila Kiezelituh.
Syempre yung Bobits. Bobits & the Tumblrs nga dibuh. Hahaha. Si Sir Garces kasi Tumblrs tawag samin nila Kiezel eh, hahaha. Yung Bobits kasi nakatabi ko sa upuan mulha nung 3rd grading hanggang matapos yung school year. Dun lang ako naging close kay Denise, sobrang miss ko na yung pasayaw-sayaw nya kahit mukhang tanga at pakanta-kanta nya ng matataas kahit malayo sa totoong tono nung kanta. Saka si Mikee, pag katabi ko kasi yun feeling ko ang tangkad tangkad ko. Tapos si Bespren Matt! Wala na kong balita dun ngayon, kahit sapilitang best friend namin sya nila Denise nung una naging open din samin nung kalaunan. Syempre si Fe, pinakababoy na taong nakilala ko. Wag nyo nang alamin kung bakit. Hahaha. Tas si Clavin na walang araw na hindi nya pinamukha sakin na pandak ako -_-" Yang mga yan nga pala yung TuBu ko, Tulog Buddies. Hahaha. Kekorni. Madalas kasi talaga tulog kami ng mga yan, iisang row pa man din kami kaya halatang-halata.
Syempre miss ko na rin si Jeff na lagi kong kabugbugan mula nung 3rd year. Nagiging lalaki ata ako kapag yan kaharutan ko eh, as in nagsusuntukan, tulakan, at grabeng harutan talaga. Si MJ na lagi kong ka-kuntsaba sa mga kalokohan ko mula 2nd year. Best friend ko rin yan dalawang yan, lima talaga best friend kong lalaki. Hahaha. Mahilig ako mag-best friend eh, bat ba. XD
Yang mga yan ang taong mahalaga sakin dahil sa St. Monica ♥
Backread.
Kasalukuyan kasi akong nagbabackread sa mga Girlfriends ko. Inuna ko si Kiezel, tas kung pala ko nag-backread di ko malalaman na isiniwalat nya pala yung kalandian namin. Hahaha. Okay, kinilig lang naman kasi nga crush diba? Wala namang kasalanan dun. Hahahaha. Tangina mo talaga kras. Labyu.