Blogger's life. 1. Click 2. Eat 3. Click #blogging #beblogger #proudtobeblogger #blogginglifestyle #mestylooo #mefoodie #delhibloggergirl #instabloggers
seen from Türkiye
seen from United States

seen from Japan
seen from Germany

seen from Türkiye
seen from Spain

seen from United States

seen from Singapore
seen from Germany

seen from Singapore

seen from Türkiye
seen from Thailand
seen from Poland

seen from United States

seen from Singapore

seen from United Arab Emirates

seen from Singapore

seen from United States

seen from United States
seen from Germany
Blogger's life. 1. Click 2. Eat 3. Click #blogging #beblogger #proudtobeblogger #blogginglifestyle #mestylooo #mefoodie #delhibloggergirl #instabloggers
What’s on your mind?
May mga pagkakataon na ang sarap i-blog lahat ng mga nangyari sa’yo sa isang buong araw. Minsan gusto mo isalaysay lahat ng bagay mula sa pagkamulat ng mga mata mo hanggang sa sandaling nakaupo ka na sa harap ng laptop mo. Ang bilis ng utak mo, may mga quotes ka agad na naconstruct para medyo may atake ‘yung post mo. Marami ka na ring kwelang banat para medyo hindi boring. Napapa-“Light Bulb!” ka na lang kasi ang daming ideyang pumapasok about sa paglalagay mo ng title, intro at ending. Type, Proofread, type, paulit-ulit. Sa sobrang daming pumapasok sa utak mo hindi mo na alam kung alin na ba yung dapat mong ilagay. Nagkakahalo-halo na yung thoughts kaya’t kahit ikaw hindi mo makumbinsi yung sarili mo na ayos na yung nasulat mo hanggang sa nabura mo na lahat ng nasulat mo at nagdecide na wag nalang i-post.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pinopost ng iba ‘yung mga akda nila kasi ayaw nilang ma-judge. Lagi nilang iniisip kung ano ‘yung sasabihin ng mga makakabasa. Pero hindi ba’t kahit ano namang gawin mo may sasabihin pa rin sila, mapa-mabuti o masama. Hindi mo kontrolado ang kanilang pagiisip, may mataas na pamantayan sila na kahit anong sikap mo ay never mong maaabot. My reason kung bakit ano gumawa ng Tumblr ay para i-express ‘yung feelings ko, makahanap ng mga taong makakarelate at kung papalarin, magkaroon ng mga kaibigan na baka sakaling maging sandalan ko every time na mayroon akong problema o suliranin. Inaamin kong may galak akong nadarama every time na may nagsasabi sa akin na nababasa nila yung posts ko at nagbibigay ng mga papuri pero mas importante sa akin ang maexpress ang mga hinanaing/kwento ko sa buhay.