“Ilaw”
Ang liwanag ay pinupukaw ang damdaming naliligaw
Ito ay aking natatanaw ginagabayan ang pusong ligaw
Ako ay tila na akit sa liwanag na namumukod tangi
katumbas nito ay sakit at tulong sayo’y hinihingi
Ikaw ang ilaw ko ang gabay sa daang tatahakin
peligro at delubyo itong lahat ay aking hahamakin
sakit at pasakit na nadarama ay saakin hindi alintala
sapagkat sa isang sulyap ko sayo katumbas ay bilyong tala
Ang pusong kong nag susumamo sabik na mahagkan mo
At sa iyong braso natagpuan and damdaming hinahanap ko
Nang aking malasap ang sarap ng iyong yakap
Ang pagka lugmok ay itinangay na nang alapaap
Ang Ilaw mo ang syang naging tanglaw ko
Ang dahilan kung bakit ako ngayoy nasa kanlungan mo
Sa iyong kanlungan natagpuan ang aking tahanan
At aking dadalhin ang liwanag mo sa puso ko kailanpaman










