Sandig by: Rich Leviste a.k.a Hara Aquino
Ang isip koy lumilipad sa kawalan
Pilit inaabot matatayog na kabundukan
Tinatawid maging ilang luksong karagatan
Ako kaya’y makakarating saaking paroroonan
Kung ika’y tatahak sa aking daig-dig
Doo’y magigisnan isang mumunting sandig.
Sugat at sakit ay pilit nitong dinadaig
Sadyang uhaw at nanlilimos ng pag-ibig
Ako ay Malaya tulad ng agila
Ngunit ang mga kamay ay magang-maga
Sanhi ng pagkakagapos sa luha
At wala ni gapatak ng pag-asa.
Animoy binabayo ako ng malakas na hangin
Sa kabila ng aking mga panalagin.
Hangang kailan ko kayang di magbigay pansin
Sa mga bagay na saaki`y pilit dumidiin.
Sa pag-pikit ng aking mga mata
tinatanaw ay isang magandang lupa
Kasiyahan at kapayapaan ay sagana
Ditto ay di mapupukaw ang aking sigla
Ito ang aking sandata, ang aking kaalaman
Na aking tangan-tangan maging hangang kamatayan.














