“ You’re Shallow and Empty, Filled with Regret “
“ Isang umaga nagising ako na puno ng katanungan at haka-haka.
Maraming binubulong ang aking isip , Maraming mga bagay na sumasagi sa aking tanong na nagpapagulo ng aking damdamin. Bukod roon marami akong natutuklasang theorya patungkol sa damdamin at emosyon ng isang tao. nakita kong malaki ang lawak at sakop ng hiwaga nito sa bawat taong makakaramdam nito. Minsan kahit anong pilit mo sa isang tao para bumuti ang kanyang pakiramdam tila hindi pa rin sapat sa kanila iyon. Doon nakikita kung hanggang saan lamang ang limitasyon nila sa pagpapahayag ng nadarama nila. Sabi nila panahon lamang ang syang makakapagpahilom ng sakit at dalamhati nang taong sawi na dulot ng iba. Walang makakapagsabi kung kailan mawawala ang hinanakit ng puso.
“ Merong tao na madaling makaahon sa dagok ng hamon. Isa sila sa maituturing na matatag ngunit sa loob ng kaibuturan ng puso nila , Makikita ang kahinaan nila. Kahit ilang tanggi pa ang ibato at ipakita nila sa tao , Hindi pa rin maiiwasan at mawawala ang sakit na nadarama nila. Kaya may pagkakataong nagtatago sila sa likod ng maskara upang hindi makita ng iba ang kahinaan nila. Walang perpekto sa mundong ating kinamulatan. Lahat ng tao may kanya-kanyang sikretong tinatago. Kanya-kanyang paninindigan ang bawat isa , At kanya-kanya ang kapintasan ng ilang sangkatauhan. Iba-iba rin ang ugali at pagiisip ng tao , Iba-iba rin ang pananaw at opinyon ng bawat isa. pero pare-parehas tayong nilalang sa mundo.
“ Minsan kahit anong mali ng tao , dumarating sa punto na hindi nila napapansin na nakakasakit sila ng iba. Ultimong mga ngiti nila naisasalin nila sa panlilinlang upang hindi mahalata ang kakayanan ng salitang katangahan. Tinitiis ang sakit upang mapaligaya lamang ang sinisinta. Kahit ilang hinagpis pa ang ilihim ginagawa pa rin ang lahat upang hindi magkulang sa sinisinta. Pero lahat may hangganan , maituturing na lahat ng bagay ay may limitasyon at katapusan. iyon ay ang katotohanang kumakatok sa realidad na HINDI MAAARI.
“ Hindi maipagkakaila ang bagay na hindi pwede dahil triple pa ang dalamhati na maaari mong idulot sa kanya. Kahit ilang angulo pa ang hikutin ng roleta, malaki pa rin ang tiyansang wala ng paraan sa bakit. hanggang sa huling baraha na isususgal parehas pa ring nasasaktan ang mga puso. Minsan hindi natin inaasahan ang hamon na iyon, kahit hindi mo gustohin na mangyari yon kahit anong iwas mo, sa huli doon pa rin nagtatapos ang lahat sa katotohanang nasaktan mo siya.
“ Kahit dumating ang pagkakataong iyon hindi maiiwasan ang sandaling pagaalala. kahit sa pagpapanggap napakasakit na maramdamang tinitiis nya para sa sinisinta. ngunit hindi maitanggi ang pagdurusang dumudurog sa puso, kaya nagpasya itong lisanin at burahin sa alaala nya upang hindi na maalala ang sakit na idinulot mo. binibilang ang sandali.. binibilang ang segundong lumilipas at unit-unting napagtatanto ang lahat ng possibleng tama sa mali.
“ lumingon ka mula sa likuran at gusto mong ibalik ang lahat sa umpisa ngunit kulang rin pala paghingi ng tawad sa tulad mo.. kahit alam naman natin kung ano ang totoo sa iyong pagkukunwari. pumikit ang sandali sa atin, mula sa isa hanggng tatlo lahat ng sangkot sa krimen ay damay.. ang daming nasaktan. na ang sakit ay kaya ng pumatay ng nilalang. nagdurusa sya mula sa puso hanggang kaluluwa nya ay nadurog na.
“ nag-sarado ang storya nang ika’y naglaho naging anino at nabura ang mukha sa madilim na malayong lugar at ibinulong ang natitirang pantig mula sa kanyang malamig na labi.... “ lagi na lang masakit kapag nagpapaalam ka.. “