It has been a year since yung huling usap natin. At dahil dun I realized na wala na talaga yung satin. Sobrang nanghihinayang pa din ako kasi ang tagal natin eh. Naging crush natin ang isa’t isa nung grade 6 palang tayo until mag confess ka sakin nung 3rd year na tayo and It lasted for about one and a half year, pero kung pagsasamahin natin halos 5 years na eh. I was really happy then kasi natupad yung prayer at wish ko. Matagal na kasi kitang ina-admire tapos ganon ka din pala sakin, ayun nga lang secretly until nung umamin ka. Di nga akalain nung ibang kaklase natin nung grade 6 na magkakatuluyan tayo kasi inaasar lang nila tayo nun. But anyway, nagbabago talaga ang panahon. I just want to thank you for everything. You really made me happy. Akala ko tayo na talaga eh. Yung pagkagraduate natin ng college eh pwede na kitang sagutin. Loyal na loyal lang tayo sa isa’t isa eh noh? Pero ayun nga, things happen for a reason at tanggap ko naman na. Thank you din kasi inalagaan mo talaga ako, hindi mo ako pinabayaan lalo na nung mga panahong down ako. Sorry sa lahat ng maling nagawa ko. Lalo na nung mga panahong hindi ko masyado napakita or nagawa yung dapat na gagawin ko. Sa pagkaimmature ko at pagkaselfish masyado. Alam kong parehas lang tayong may kasalanan kaya nangyari satin ‘to. I know you are happy now and please always take care. Wag mo pababayaan sarili mo. Alam kong masaya ka na ngayon dahil kay ( c ). Kapag may problema ka, try to open it up to her. Stay strong sa inyo. And one more thing, kung sakaling makasabay o makasalubong kita, sana sabihin mo na sakin yung reason mo before. Kasi hanggang ngayon hindi ko pa din alam. Para lang maintindihan ko bakit biglang ganito yung nangyari. Do well in school. Alam kong malayo ang mararating mo. Magaling ka at humahanga nga ako sayo diba, na kahit tamad ka pero masipag ka at sobrang galing pa sa math. Walking calculator ka diba. You will be a great engineer in the near future. :) Thank you and see you when we cross our paths again.