OKTUBRE 2016
RIZAL LIBRARY STUDY HALL Ang 5th floor study hall sa Rizal library ay partikular na lugar kung saan kami parating pumupunta upang magpahinga, makipag-usap sa isa't-isa, o gumawa ng mga takdang aralin. Bukod dito, ito ay may higit pang pakinabang sa marami. Sa tuwing pumupunta kami sa 5th floor ng Rizal Library, kami'y nag-iisip ng mga kasagutan sa aming homework o proyekto na dapat tapusin o isumite. Ang lugar na ito ay hindi lamang kung saan pwede tumambay o manatili ang mga estudyante, ito rin lugar kung saan maaaring mag-eksibisyon mga mag-aaaral ng kanilang talento sa iba't ibang uri ng sining na mayroon sa mga panahong ito. Dahil dito, ang loob nito ay madalas maingay sapagka't dito'y nagchi-chill din ang karamihan. Sa lugar na ito lamang maaring mag-ingay ang mga mag-aaral. Komportable rin dito dahil sa malawak na espasyo at sa malamig na aircon nito. Kapag lumalabas na kami ng library, minsa'y masaya kami mababawasan na ang sobrang lamig na pakiramdam namin. Nguni't, mas madalas na ang pakiramdam namin sa tuwing lalabas ng 5th floor library ay pagkaantok at matinding pagod dahil sa paggagawa ng homework, pakikipag-usap o simpleng pagpapahinga lamang.
REGIS CENTER Madalas pagkatapos ng klase at gusto naming mga magbloblockmates kumain, pumupunta kami sa Regis Center sa tapat ng Ateneo. Hindi gaanong mahaba ang nilalakad papunta dito dahil ito ay nasa tapat lamang ng pasukan sa Gate 3 at mayroong tawiran na nagdidikit ng Regis Center at ng Ateneo. Sa tuwing pupunta kami dito, ang unang iniisip namin ay kung saan kami pwedeng kumain dahit ito'y isang lugar kung saan maraming kainan o kaya naman mga bilihan ng tea, desserts o kape ang makikita. Habang kami nasa Regis Center, bahagyang nawawala ang aming "stress" sa eskwelahan dahil wala kami sa loob ng campus. Makikita ninyo naman sa bidyo na mas masaya ang mga mukha ng lahat at mas-chill ang "vibe" namin. Ito ay dahil sa samahan ng barkada namin sa isang espasyo kung saan pwedeng maglibang at magsaya. Kapag kami'y aalis naman ng Regis Center, madalas na kami ay busog, pagod sa katatawa o masaya dahil bukod sa masarap at mura ang mga pagkain doon, kami ay nasa piling ng mga kaibigan.
CAPITOL COMMONS Iba’t iba ang maaaring magawa sa Capitol Commons. Maraming mga kainan at tindahan na nagbebenta ng kung anu anong mga brand ng damit, sapatos, pabango, at iba pa. Mayroon ring malaking park sa tapât ng ng Estancia, ang mall ng Capitol Commons. Malapit na rin ang katapusan ng konstruksyon ng isang pamilihin o supermarket na nasa tabi lamang nito, ang Unimart. Dahil sa iba't-ibang maaaring gawin sa lugar na ito, maaaring sabihing ito ay angkop para sa mga pamilya kung saan maari silang mag-jog, bumili ng mga gamit (damit, school materials, furniture, atbp.) o simplent maglilipas ng oras. Walang pinipiling edad, pangmatanda or para rin sa mga kabataan ngayon.
May dalawang bagay ang tatlong lugar na ito na maaaring sabihing nag-uugnay sa kanila sa isa't-isa. Pumupunta kami sa lugar na ito higit sa lahat para sa enterteynment at para makipagkita or makigpag-bond kasama ang mga blockmates o kaibigan namin. Mga karaniwan naming ginagawa sa mga espasyong ito ay magpalipas ng oras or magkipag-chill lamang, o minsa'y kumain dahil ito'y hindi namin nagagawa sa study hall dahil ito ay pinapagbawal, ayon sa mga opisyal na patakaran.
Ilan sa mga patakarang dapat sundin ay ang pagbabawal rin ang mga alagang hayop sa 5th floor. Bawal rin ditong humiga ng pahalang at bawal kumain. Sa Regis Center naman, bawal din ang mga may alagang hayop at ang pagpasok ng kahit anong uri ng armas.Gayundin ang mga patakaran sa Capitol Commons, liban sa pagdala ng mga hayop kung saan ito ay pinapayagan. Batid man namin na ang mga lugar na ito ay may tanging layunin noong ito'y ginawa, ang mga ito ay kapansin-pansin na unti-unti nang nagbabago paglipas ng panahon. Nag-iiba na ang mga aktibidad na maaaring gawin sa mga ito tulad ng paggamit ng 5th floor library bilang exhibit area, pahingahan o chill place. Ang Regis Center na lugar na kainan ay nagsisilbi na ring study area at ang Capitol Commons na may iba't-ibang mga gusali o istraktura para sa iba't-ibang gawain. Ano pa kaya ang mga susunod na pagbabago?















