Blog/blogger appreciation 1 : Comprehend the Chaos
Sa anung rason na hindi ko maisip kung ano, naisipan kong gumawa ng blog/blogger appreciation. At uunahin ko na si Rob Isidro aka robiotics.
Hindi ko alam kung anong nangyari at finollow ko siya dati. Basta nakita ko lang yung dp niya na red and white ang kulay. Ayun. Comprehend the Chaos yung title ng blog niya. Naaaliw ako sa mga posts niyang anything-under-the-sun yata ang tema. Nagutom ako sa mga posts niya ng mga niluluto niya. Ilang araw ang lumipas pagkafollow ko sa kanya, nagfollow back siya.
Nung summer ko nakaclose ang taong to. Nung una sa TA lang, tapos sa phone na. Text, tawag, ganun. Nakakatuwa kasi tumatakbo ang usapan namin mula sa kumustahan, hanggang sa disection ng palaka, kalapati, at pusa, hanggang sa evolution ng mga mais. Madaming alam yang si Rob e. Sobrang daming trivia tsaka tsismis na din.
Hindi na ganun kaactive si Rob ngayon dito nitong mga nakaraang buwan. Pero sabi niya sa isa niyang post, dahil medyo maayos na daw ang schedule niya, babawi daw siya. Ayun. Graduating kase yan ng BS Biology sa UST. Siya na diba?
Oy Rob. Wag ka nang masyadong magpamiss jan. Haha. Magpakaactive ka na ulit dito.