020923
Siguro nagtataka ka asan na yung sinabi ko na ipursue kita o baka hindi ka na talaga nagtataka.Ewan ko ba bakit tuwing 28 of the month ang chat ko tas hindi ka magrereply. Then nag-install ako ng viber bka dun magreply ka pagsearch ko ng number mo boom nakita ko with dp heh. Ayun di ko na tinuloy magmessage parang may signage board na bawal na. Ayun uninstall na lang ulit. Wala iyak na lang talaga ako. Sabi mo nga eto yung consequence sa ginawa ko.
I know pagod ka na din sa tulad ko. Alam ko din na happy ka na sa boyfriend mo now. Kasi nakita ko naistalk ko bigla eh hahahaha. Sorry na. Pero last na yon promise hindi na mauulit, masakit ee as in para akong hmmm basta hindi ko maexplain. May pamesaage ako, kahit alam ko na hindi mo naman mababasa haha. Gusto ko lang ilagay dito mga feelings ko or tska gusto ko din mabasa to someday at sabihin ay putek baliw pla ako. Anyway.
Hi love,
I'm thirty one years old na and I'm acting like thirteen years old right now *parang proud pa nu* Oo para na akong bata or masahol pa sa bata kung umasta. Gusto ko lang naman sabihin na. Thank you for loving me dati, sa mga clingy text, selfies mo, sa mga galit mo,inis sakin at sa pagsabi ng pogi hahaha alam mo naman ang love language ko ay word of affirmation kaya kapag sinabihan ng ganun. Kala mo naman poging pogi na tuloy. Sa mga paganyan mo tuloy yan na ang standard ko na hahanapin ko sa next relationship ko. Kung may susunod pa ba. Pero sympre iba pa din Ikaw *bat hindi na lang kaya ikaw dba charrrr*.
Alam mo ba I'm still reading our old convos. Tas p@$!& Kinilig pa din ako hays paano ako magmove on neto haha. Siguro need ko na bumili ng bagong phone. Hindi ko pa kayang idelete pero siguro wag ko na lang basahin. Hindi ko pa masasabi kelan ko burahin. Kala mo naman mayaman nu palit phone agad solusyon. Bka kasi deserve ko na din ng bagong phone haha.
Sorry nga pala sa mga moment na napapagalit kita at kapag nasasaktan ka. At sa pagiging duwag na din tas wala pangballs ika mo nga *stupid pj ever* kaya ayon tuloy hirap hirap ako ilet go ka. Kasi hindi ko nagawa yung mga bagay na gusto ko with you. Hindi ko na sayo ipagmalaki na marunong na ako magluto ng kahit anong klaseng luto ng chicken at pasta. Siguro sa ibang universe chef ang work ko hahaha.Pero sabi mo kailangan ko na maging happy din at iletgo ang baggages ko *tama naman spelling nu* bilis mag iba ng sabihin nu* Pasensya na hindi ko kasi alam ano unahin ko sabihin.
Hmmm ayun Lagi ka mag ingat sa pagpasok mo sa work at pag uwi. Kumain ka din sa tamang oras pero kapag wala ka gana sige konti lang or kapag ayaw mo tlga sige na nga . Bawi ka na lang kapag nagutom ka. Medyo bawas bawasan mo ang pagkakape mo ha try mo din minsan magtubig. Nga pla ingat ka din sa mga kanto kanto ng lamesa nyo or pinto lagi kasi nadadali yung daliri mo sa paa or tuhod mo clumsy ka pa naman hahaha. Magdala ka din lagi ng payong kahit na may kotse or tagasundo ka na incase lang maulan or mainit sikat ng araw.
Ano din pla stay toyoin cute ka padin kapag ganun. Kahit minsan nakakainis pero kamahal mahal un haha.
I may not say good morning and good night anymore, but you're always the last thought I have before I drift off to sleep. I'm trying to focus on myself, but the truth is, I miss you todo todo. I love you my happy pill. You are always in my heart.
PS. Pumasok ako ngayon eh para makigamit lang siguro ng internet hahaha nagwork naman ako maaga ko lang natapos mga 3pm need ko tapusin shift ko para hindi maundertime.



















