Ang araw na ito ay ang saktong ikalawang taon ng aking pananatili rito. Matagal-tagal na rin pala simula noong mapadpad ako sa lugar na kung saan ay naging isang bahagi na rin ng buhay ko.
Dalawang taon na rin ang lumipas. At marami nang nagbago. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay masasabi kong naging masaya naman ako.
Hindi ako magaling sa pagpapasalamat kaya't hihiramin ko ang mga salita ng isang kaibigan na masasabi kong isa sa aking mga inspirasyon kung bakit ako may lakas ng loob na magsulat ng nararamdaman ko:
Sa mga taong nanatiling nandyan para sakin. Sa mga taong nananatili sa paghintay para sakin.
Sa mga taong inaasahan kong mananatili dyan para sakin kahit hindi naman talaga, ang paniniwala kong nandyan parin kayo ang nagbibigay ng pag-asa sakin kahit wala naman talaga. Salamat.
Sa mga taong walang pagod sa pagtatyaga sa ugali ko na ewan na wala lang.
Sa mga taong naiintindihan ang ibig kong sabihin sa mga salitang “Wala lang”
Sa mga taong patuloy akong binibigyan ng rason upang magising sa bawat araw.
Sa mga taong patuloy na naghihintay.
Sa mga taong patuloy na umiintindi.
Sa mga taong naghihintay.
Sa mga taong maghihintay.
Sa mga taong bumitiw na.
Sa mga taong nakalimot na.
Sa mga taong nagsawa na.
Sa mga taong minahal ko… at patuloy kong minamahal.
Sa mga taong nakilala ko.
Sa mga taong pinagtyagaang kausapin ang isang katulad ko kahit sa konting minuto o oras.
Sa mga taong nandyan.
Sa mga taong nandito…
sa puso ko.
Salamat.
Salamat sainyo.












