GUT EM.
seen from China
seen from United States

seen from Norway

seen from Netherlands
seen from Norway

seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from South Africa

seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Netherlands
seen from Japan

seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
GUT EM.
SURROUNDED BY CHAOS.
SCOUTIIIIIIIIIIIIIING.
Talagang mahaba yung Ting dahil buong araw kaming nagpagod at nagbanat ng buto sa school kanina. Grabe. Mga amoy araw na amoy usok na amoy girl scout. Ayun. Ang malas ko pa kase naiwan ko yung neckerchief ko tas hindi ko mapadala sa school kase umalis na agad yung nanay ko. Ayun, buti nalang at girl scout nga kame, may extra si SB. Ayun. Ipinarada yung naggagandahan naming mukha flags na halata namang hindi kame kasali dun. Ewan ko ba. Ang ganda nung design tas napariwara nung pinaprint sa tela. Ang liit kase. Tas ang mahal na nun. Banas noh? Tas yun na nga. May muse pa kame sa gitna para agaw-atensyon. HAHAHA. Si Ate Ellie lang naman yung kumakaway kaway sa gitna namen para di na mapansin pa yung flag naming nalihis ng landas. Ayon nanga, jusmiyo, andaming di kanais nais na bagay na gawa ng aso don! GRABE, bawat daan na daanan namin, hindi mawawala yung mga jebs na yun. Phew. Tas yon, pagkatapos naming bumida sa lansangan, bumili ako ng kandila para sa One Little Candle namin hahaha. Ayun, pagpasok ko ng court, binalita agad sakin ni Zaida na hindi na daw kame magkakandila. Kamusta naman yon noh. Ayun. Binigay ko kay Mimer mylabs yung neckerchief ko para sya yung magsabit sakin. Inaabangan ko nga kung umaaligid yung kiridang si SB at agawan pa ko pero sa kabutihang palad, wala namang senyales ng SB kanina. Tas yon, pagbalik ko sa troop ko, pinapabigay ni Zaida yung neckerchief nya kay Mimer mylabs. Ayun, edi balik ako ulit sa grupo ng mga boys tas nawawala si Mimer. Ayun, tinanong ni Sir kung kanino yung neckerchief, sabi ko kay Zaida tas binigay nya kay Pamplona. Eh may something ata dun sa dalawa tas yun. Mas kinikilig pa ata ako kesa sakanila. Oh diba, share the kilig. Tas yun na nga, nag-girl scout girl scout na kame dun. Tas nung sasabitan na kami ng neckerchief, katabi ko si Zaida tas kinikilig kilig ako dun sa tabi para sakanila HAHAHAHAH LUMALANDE! Tas ayun na. May gumagala pang aso dun sa gitna habang bumo-boy scout yung mga boys tas hinabol ni Ma'am Ruth papalabas. HAHAHAHA HIRAP NA HIRAP TALAGA AKONG MAG-MOVE ON NON! Phew. Tas ayun na nga, may swerte parin naman sa ere at ang room namin ay sa Pre-Elem. De tiles at malamig ang aircon bwahahaha. Ayun. Kumain muna kami ng spaghetting malata tas bumalik na kami sa court para sa yell namen. Oh wala kayo kase 3 mins lang namin ginawa yung yell namin nun. Handang handa noh? Tas yun. Yung mga boys, gumagawa ng tent dun sa damuhan habang nagiingay kaming girls sa loob ng court. Ayun, ang galing Topaz. Tas anyare samen? Pagkatapos ng yell, sayaw naman. Mama Yo Quiero pa yung amin. Yung chupeta ba. Takte yung mga pinaggagawa naming kabaliwan ni Britney nung 5 minute practice namin. Nganga tuloy kami sa harap hahaha pero grabeng hataw naman yung ginawa ni Ate Karen don! INANGKIN ANG STAGE! Tas yun na. Ang galing parin ng Topaz. Tas kumain muna kami ng lunch nun. Chicken tas walang kutsara saka tinidor. Ayun, habang naghihintay kame, pabutil butil ko ng kinakain yung kain ko pero si Britney, gutom na gutom na ata kase tinira agad yung pagkain nya. Tas ayun. Bumalik kame sa room namin tas nagpahinga muna tas nakatulog ako. Maya maya, ginising ako. Tulong daw ako pagluluto. Eh pagdating ko naman dun, taga lagay lang ako ng dahon saka tagapaypay para lumiyab yung apoy. Lahat pa ng usok, langhap na langhap ko. Pero masaya naman kahit may warla na naganap. Ayun ang sarap ng amoy. HAHA. Habang nagluluto, pinag-drill (Malay ko kung anong spelling nun) muna kami. Ayun, sakin pa nakatutok yung araw nun badtrip. Pa marcha marcha kami dun sa mainit na lansangan. Tas yun, balik ulit sa pagluluto. Sayang nga kase di ko napanood yung Macarena ni Mimer mylabs </3 Tas yun, nagdrama kame na parang di naman drama kase di ko na-feel yung role ko. 10 mins lang kase tas hindi tuloy namin natapos. Sayang, ang ganda pa naman ng kwento -_- HAHA. Ayun ang ganda ulit ng sa topaz. May sampalan kaseng naganap. Tas pagkatas nun, meryenda muna tas laro na. Ayun. Yung unang game, yung naka-blindfold kayo tapos ihihiwalay hiwalay kayo ng mga ka-grupo mo tas kung ano yung sound na binigay sainyo, yun yung gagamitin nyo para magkatagpo ang landas nyong magkaka-troop. Kung magulo, ok na yan. Hewhew. Ayun. Quack quack yung amin. GRABE NUNG PUMITO, SOBRANG INGAY TAS KUNG SAN SAN LANG AKO KUMAKAPA TAS QUACK QUACK AKO NG QUACK QUACK. ANG SAKIT SAKIT NA NG LALAMUNAN KO NUN HANGGANG SA NAGTAGPO YUNG LANDAS NAMIN NI ZAIDA. HAHAHA Kaya lang, dalawa lang kaming nagkatagpo kaya ayun, out agad kami sa laro. Tas head and tails naman. Grabe, pinagtulungan yung Team Emerald eh ahahaha dumadau-dausdos pang nalalaman yung mga player hahaha. Tas yun. Kulelat kame. 6pm na nga natapos eh. Dapat 4pm lang talaga kaya hindi na inannounce yung mga may award. Ayun. Yung SSG, pinagpulot ng bote tas nag-gabi ng lagim kami sa mga classroom. HAHAHAHA. Basta ang saya kase andami ko ng friends. Haha. Charismatic eh wahaha