AKO: Sorry kung dahilan ako ng mga galit at inis mo. Kung mayroon man akong pagkukulang sayo, patawarin mo ako kasi eto lang talaga kaya ko. Kung naghahanap ka pa ng higit pa, wala na. Kung naiisip mo na iwan ako, gawin mo na. Di kita pipigilan. Ayoko ng samaan ng loob. Ayokong pag dating ng oras, magkaroon ako ng kaaway sa pagkatao mo. Wala akong pinagmamalaki na kahit ano o kahit sino. Kaya nga gingawa ko yun (cheering) dahil gusto ko din na may mapatunayan ako, na may mga kaya pa akong gawin. Kung di mo maintindihan, sagad na yung kapasidad kong himayin pa yung mga pagpapaliwanag ko sayo. Wala akong dapat pang linwin o palawigin. Kung hanggang dito na lang, di na ako magpupumilit pa. Pakisabi na lang kung kailan mo ako iiwan para alam ko. Ayoko na ng awayan, murahan, sakitan. Kahit kailan di ko pinangarap na may gaganyan sakin. Kasalanan ko man ang lahhat, ayoko pa din na may higit pang naghihigpit at nagmamalupit kesa sa mga magulang ko. Patawad, yun lang. Kalimutan mo na ako. Mahalin mo ang sarili mo. Ipagdadasal ko lagi kaligtasan at kaligayahan mo. Kasama ka lagi sa mga malalaking bagay sa buhay ko.Nawa patnubayan ka Niya lagi. Pagdadasal na lang kita. Aalagaan sa tulong ng imahinasyon. Mamahalin sa aking panaginip.
Jhemai: Drama? Tumigil ka nga diyan. SHUT UP! AKO: Di ako nagddrama. Wala akong dapat ipagdrama sayo. Iwan mo na ko. Jhemai: Weh? Wala akong pake! AKO: !@#$%^&*()
sa haba ng sinabi ko. babarahin lang ako ng ganun-ganun lang? watda? kahit kailan talaga yung lalaking yun ehh. :/ talo ako lagi pag ako nakikipaghiwalay.











