Daughters of Eve (1985)
seen from Japan

seen from Italy

seen from Malaysia

seen from Sweden
seen from China

seen from New Zealand
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Russia

seen from United States
seen from Malaysia

seen from United States
seen from Hong Kong SAR China

seen from Malaysia
seen from United States
seen from Oman
seen from Spain
seen from United Kingdom
seen from Hong Kong SAR China
seen from Russia
Daughters of Eve (1985)
Mumu ka gh0rl?: Kwentong Kababalaghan
"SILIP"
"Eighteenth floor."
Nagising ang aking diwa noong marinig ko ang pagbukas ng elevator. Halos 24 oras na din akong nasa hospital na pinagtatrabahuhan. Sinabi ko namang hindi ako mag o- overtime pero hindi dumating ang kapalitan kong nurse kung kaya't kailangan kong magdagdag ng shift. Pagpasok sa aking condo, dimiretso agad ako sa kwarto. Alas diyes y' media na base sa aking orasan. Gusto ko pang kumain pero agad akong dinalaw ng antok pagkahiga ko sa aking kama. Pagod na pagod na ako.
----------
Malagkit sa pakiramdam at mainit ang katawan, nagising ako sa kalagitnaan ng pagtulog. Simula noong nagpalit ng oras ang aking shift, madalas na akong magising ng madaling araw. Bumangon ako sa aking kama upang kumuha ng tubig sa kusina. Dama ko pa ang hilo noong kunin ko ang baso sa lalagyan. Ala una na pala ng madaling araw. Habang ninanamnam ang lamig sa lalamunan, napatingin ako sa salamin. Kitang kita sa kusina ang katapat naming building.
Patay na ang ilaw sa buong building maliban na lamang sa ground floor. Pitch black kung tatawagin, matatakot tumingin ang sinumang may phobia sa dilim. Lahat ay tulog na marahil maliban sa isang kwartong ito. Sa baba ng katapat kong condo, mapapansin ang mapusyaw na ilaw na halos di maikita kung di tititigang mabuti. Siguro nakabukas ang night light nila. Kung magaling kang mag-obserba, mapapansin mo rin ang tila mga hugis ng tao na nahuhulma sa makapal na kurtina. 'Di ki malaman ang partikular nilang ginagawa maliban sa minsanang pag- ikot at pagpila.
Bilang isang babaeng mahilig sa tsismis, sinusubaybayan ko ang mga nangyayari sa partikular na kwartong ito. Tila isang pelikula o palabas sa teleserye kung manuod ako, hinihintay ang climax. Tama nga ako dahil katulad ng ibang mga naunang gabi, sumilip na naman ang babae at bago pa makita ang buong mukha, nahila siyang muli at mahigpit na isinarado ang kurtina.
Ano kayang mayroon? Dinalaw ng antok, bumalik ako sa kwarto.
---------
Napagbigyan ang hinihiling kong leave. Alas- singko pa lang ng hapon ay pinayagan na akong makauwi sa aking bahay. Tamang- tama, kailangan ko pang maghigpit ng mga damit na dadalhin ko sa aking trip. Mayroon kasing three- day trip ang aming tropa sa Laguna. Excited na akong mag- island hopping. Pagkarating sa kwarto ay mabilisan kong inayos sa maleta ang aking mga gamit. Pagkaraan ng 30 minuto, dumiretso na ako sa upang lumabas. Parang kulang yata ang gamit ko? Nakalimutan ko ang baon naming pagkain. Dali- dali akong pumunta sa kusina. Nasaan na ba iyon? Sa taas na cupboard, doon ko nailagay. Habang nilalagay ang baon sa bag, napansin ko ang kwartong malimit kong subaybayan.
Kataka- takang medyo malaki ang siwang ng mga kurtina. Ang mas nakapagtataka pa ay ang babarng nakasilip. Tanging isang mata niya lamang ang makikita mo. Higit limang minuto ko siyang tinitigan, umaasang babawiin ang titig niya sa akin. May balak ba itong makipagtitigan magdamag? Anong problema netong babaeng 'to? Kakairita ah. Sa inis ay umalis na lamang ako. May bakasyon pa akong dapat i- enjoy.
----------
Gabing- gabi na noong nakauwi ako sa condo. Pagpasok ng kwarto ay dumiretso ako sa sofa upang magpahinga saglit. Nakakapagod naman, gusto ko nang magpahinga kahit saglit. Iidlip muna ako saglot. Inaantok na ako.
---------
Ngalay ang batok, naalimpungatan ako sa init ng kwarto. Sa sala na pala ako nakatulog, magkakastiff neck pa yata ako. Dumiretso ako sa banyo upang maglinis ng katawan. Paglipas ng ilang saglit ay pumunta akong kusina upang kumuha ng tubig. Maaga pa ang pasok ko bukas. Habang umiinom ng tubig ay tumingin ako ulit sa kabilang gusali. Katulad pa rin ng dati, pitch black ang buong gusali maliban sa-- itim ang buong gusali, pati ang paborito kong kwarto. Wala akong nakikitang mga hulma ng mga tao sa makapal na kurtina. Ang kurtina, may siwang sa pagitan neto. Nung tinitigan ko itong mabuti ay nanlaki ang mata ko noong napansin ko ang matang nakatitig sa akin. Muntik ko nang mabitawan ang baso. Ano bang gusto ng babaeng ito? Bakit nakatitig na naman siya sa akin? Sa inis ay di ko napigilan ang sarili at minura ang babae. Wala man lang pakiramdam. Sa inis, dahil sa nararamdamang takot, dumiretso ko na sa kwarto. Itutulog ko na lamang ito.
#silip (at Sydney, Australia) https://www.instagram.com/p/B0GhzbhBa4x/?igshid=1akr2j8to1e7t
Khoumb té Dagane : "da ngay guiss kou sole silip ba paré tek ci”