Oct 1, 2021
"Sinumpaang Sumpa"
Tungkuling dati'y sinumpaan,
Ngayo'y sinusumpa,
Sumpang tila walang katapusan,
Mga sumpang binitawan,
Ngayo'y kinaiinisan,
Puso't isip ay nasa hangin,
Tinatanong kung bakit,
"Bakit naging sumpa ang mga salitang dati ay sinumpaan?"









