Kahit saan magpunta'y habol ng pag-ibig mong hindi nauubos. Salamat sa buhay, sa grasya, sa patuloy na pagpapaalang ikaw ang bahala, sa walang humpay na pagtupad ng mga pangarap, sa pagpasa, pagsama mula nung una pa, at sa kung saan mang inihahanda mo pa. Sana ito lahat ay maibalik sayo kahit papaano, habang hinaharap ang bawat pagsikat ng araw, ng araw-araw. 🌄













