Christmas "party"
Hm, para kasi talagang hindi party yon. Nag-assembly kami with matching rosary pa. Naks. HAHA. Tapos naka-PE uniform pa kami, san ka pa!! WOO GRABE HAHA BIBLE PLS =))
Pero napawi naman yun nung mall-ing namin kanina. Ayun, da't mag-bowling kami talaga. Hayst. Kaso mukhang di naman daw namin ma-eenjoy. So yun, napagtanto naming manuod nalang ng sine. Yung Frozen. Hm, wala talaga akong knowledge sa movie na yun. Naririnig ko lang na maganda daw yun. Tapos nung pinanuod namin, like omg, ang ganda nga :> hihi! Pero kamusta yung nagpalakpakan at naghiyawan yung mga tao nung pagkata's ng movie? HAHA. Nakisali nalang din kami. =)) Lakas lang maka-theater play e 'no. =))
Tapos yun, ang saya naman. Nabuo na naman ng cmates ko yung araw ko! MEHE. Lalo na yung pinauna na nila akong umuwi kanina. Kasi iyak talaga ako kasi sobrang punuan na lahat ng public vehicles. 'Kala ko matutulog na 'ko sa overpass e. Jk. De 'kala ko kasi sesermonan ako paguwi kaya yun. Hay. Mahal na mahal talaga nila ako. Nakakaiyak po. Babawi talaga ako sa bday ko!! :')







