Tungkol sa Marindukanon Studies Center x Info Shop Marinduque
Kolapsibol o mobile na info shop at studies center ang MSC x ISM. Matatagpuan sa online at of ine. Ang MSC x ISM ay isang platform (daluyan) at interface (talaban) para sa pagbabahagihan o commoning. Sa pamamagitan ng free, libre at open source na software o malayang teknolohiya. Pusible ang bagong pagmamalasakit at damayan. Gumagamit ang MSC x ISM ng swarm bibliotheque o pirate box para magkaroon ng talastasan ang gumagamit ng malayang teknolohiya. Gayundin, nakikilahok rin ang MSC x ISM sa mga nomadic transmissions ng Radyo Itim para maitala at maibahagi ang mga usapin hindi lang sa Marinduque, MIMAROPA, maging sa Pilipinas, Timog Silangang Asya at iba pang kapuluan. Panaka-naka, naglalabas ng mga teksto, litrato, bidyo at iba pa para maging parte ng multi-platform na journal zero. Binabahagi lahat ng ito sa pamamagitan ng P2P (peer to peer) Of ine Engagements at Info Tour Internship sa pakikipag-usap sa iba pang peripheral studies center at info shop sa arkipelago.









