Why oh why?
Bukas, pinapupunta kami ng future teacher namin sa MAPEH sa school. Kesyo attendance daw kaya kailangan pumunta.
Lagi nalang ganito. Papupuntahin, wala namang gagawin.
Magpapahinga dapat ako bukas eh. Kakauwi lang namin ni Keb kahapon. Inimbitahan kasi ako ni mama/nanay niya(Oo, nanay niya. Mas close kami kesa sa Dad niya.) na sumama sa kanila sa Cavite. Isang linggo rin kaming walang ginawa kundi maglokohan, magtakbuhan, magpakawasted at lumangoy sa tubig na lasang beer(naadik na ata ako). Alam mo yung feeling na yun? Nita negrita na ko. Haggard pa palagi. Wala na. Mukha na kong bagong labas ng mental.
Last week, dapat 1 taon na kami ni Keben. Kaso, napabayaan namin ano ang meron kami. Nagkaiba kasi kami ng school, kahit magkatapat lang building namin. DOST siya, ParSci ako. Ex ko si Keben. Di pa namin nasasabi sa mom niya. Di ko alam kung bakit di namin masabi. Masakit eh. Nagpakahirap kami maging legal, tapos ganun lang pala kahahantungan.
Kahapon, habang tulog ang lahat at kami lang ni mokong ang gising. Sa di inaasahang sandali ay kinausap niya ko.
Him: Bei, ano nangyari satin?
Ako: Eh? Bei? O____O
Him: Bakit? Bei naman kita eh d'ba? Pinangako ko sa'yo dati.
Ako: Ah. Oo nga noh.
Him: Di ka parin nagbabago. Hanggang ngayon, ulyanin ka parin, pati kyot parin para sakin.
Ako: Oh? Ikaw rin ah. Hanggang ngayon, epal at corny ka parin. *saksak ng earphones*
Him: Kaya nga eh. Di naman ako nagbago. Hanggang ngayon, ikaw parin mahal ko.
Ako: ...
Tanginerz. Di ako pinatulog niyan. Litsi. Maga na mata ko dahil diyan.
Okay. Bwisit talaga. Kaasar. Red Day ko pa man din. T___T









