Magkasama tayo noon, nagpasama kang bumili ng damit mo
Nang mabanggit mo na sa makalawa graduation mo na pala
Naghabiling wag akong mawawala
Lumipas ang araw at ito na ang iyong pagtatapos
Dali daling naghanda at bumyahe papuntang Auditorium
Kitang kita ang tuwa sa iyong mga mata
Lalo na ng sabihin sa sariling “Bukas bagong buhay na!”
Nang makarating tayo napansin kong may kakaiba
Di tulad ng tipikal na pagtatapos walang mga nakabistida
Wala ring mga nakapormal na polo at mga toga
Sambit ko pa sayo'y baka nagkamali tayo ng punta
Hindi mo pinansin ang sinabi kong iyon
Dali daling pumasok sa loob at nakipagusap sa kanila
Malalakas ang boses,
At panay ang pagmumura
Dumating ang isang matandang babae
Katulad ng lahat syang nakasexy shorts at fit na fit na sando
Kita ang kaluluwa lalo na pag yumuyuko
At dun ako napaisip kung nasan ba talaga ako.
Nagsimula ang palatuntunan
Kung ano ano ang sinasabi ng nasa harapan
Maya maya'y tinawag na ang iyong pangalan
At nagmamadaling umakyat sa hagdanan
Habang nagsasalita sya ng “Bukas ay katulad na kita”
Abot tenga naman ang ngiti mo habang nilalagyan ng korona
Walang ibang marinig kundi palakpak at hiyawan
At sigaw ng matandang lalaking “sa wakas malaki na rin ang ating kita”
Doon ko napagtanto kung ito'y ano ba talaga
Nang sabihin nung isang, “our new mamita”
Graduate sa pagiging isa sa kanila
Graduate sa pagbebenta ng sariling laman
Kasi simula ngayon…
Ikaw na ang magbebenta sa kanila.