1. colorum man o hindi, go lang. makauwi ka lang ng maaga.
2. P25 ang minimum na bayad, P50 ang kalimitan, P60 ang maximum. pag sumobra, magtaka ka na.
3. piliin ang siksikan na ang mga nakaupo sa loob na parang sardinas. paalis na yan.
4. kapag ikaw pa lang ang sakay o mga dalawa o tatlo pa lang kayong laman, mag-alternative commute ka na. sampung dekada pa bago umalis yan.
5. uso ang ambagan kapag isa na lang ang hinihintay at sadyang nagmamadali ka ng makauwi ng bahay.
6. wag sasakay sa "adventure" at "crosswind" na halos puno na ang mga nakaupong pasahero sa loob, nakakasakit ng katawan.
7. sumakay sa mga nakaparada sa terminal o sa mga lugar na nakikita mong nakapila sila. for safety reasons.
8. kung lalaki ka, wag kang sasakay sa harapan. kung babae naman, wag matutulog sa buong byahe.
9. magbus ka na lang kung mala-bagahe ang dala mong mga gamit.
10. wag uupo sa pinakadulong upuan kung malapit lang naman ang bababaan.
11. magshare ng aircon sa iba, wag lang itapat sa sarili.
12. wag isasara ang pinto na parang galit na galit ka at gustong paliparin o basagin yung pinto. UV na po tayo hindi na FX.
13. wag sasandal at matutulog sa balikat ng katabi. HINDI KAYO CLOSE at hindi sya kama.
14.wag maging manhid sa ibang mga pasahero. matutong makiramdam.
15. maging alerto sa lahat ng oras. baka lumampas ka sa 'yong bababaan.