Sige, simulan ko nalang to sa magaan na topic. Yung volleyball. So ngayong taon ako yung assistant captain ball sa varsity. Sa pagkakaalam ko kasi, pag assistant captain ball matic captain ball next year. Kaso wala akong buong summer next year. Pano yun? Parang mahirap naman yata. Pero bahala na kung anong mangyare. Di naman yung habol ko sa varsity, FLOTG. Sabi din kasi ng marami ang laki daw ng inimprove ng laro ko compared to last year. Thank you naman sa compliments guys! Gusto ko pa talaga lumakas. Pero alam ko naman na kung sasali ako sa college ball hanggang libero lang ako, kahit opener yung laro ko. Dahil sa height ko. Pagppray ko nalang na tumangkad pa ako. Sobrang importante talaga sakin nitong volleyball. Kasi dalawa sa bestfriend ko din sobrang mahal tong sport na 'to. Pag magkakasama kami magkakaibigan kami kami lang nagkakaintinsihan sa topic na 'to. Nakakamiss rin kasi, nung second year may parang tropa kami na lahat kami marurunong mag volleyball, tapos halos every weekend pupunta kami ng rema to play. Ang saya kaya pag kasama mo mga kaibigan mo doing the sport you love. Yun nga lang ngayong third year kailangan na namin lahat mag focus sa pag aaral kaya di na kami nakakalaro outside the school premises. Gusto ko nga sila yayain eh, bago man lang mag pasukan para warm up bago dumating yun LAPPRISA. Yung best friend ko, si Anna. Halimaw yun eh! Lakas pumalo grabe. Tres naman yung laro niya. Tapos si Vedeo, idol talaga. Galing na setter, tapos galing pa umatake. Nakakatuwa pag kay vedeo at kay anna nanggagaling yung mga compliments sa laro ko. Parang ang laki ng tiwala ko sa opinyon nila pag dating sa volleyball.
Sa varsity ko naman, mas masaya ako sa varsity ngayon. Pero only because sobrang laking pinagbago ng playing time ko. Last year kasi bench warmer ako. Pero ayos lang yun, dalawa lang naman kami ni anna natanggap sa varsity na second year last year. Kaya suot ko lang yung jersey masaya na ko. Halos kasi lahat ng players nasa fourth year last year. Pero understood naman kasi magagaling talaga sila. 2nd place nga kami dati sa LAPPRISA. Tapos siyempre mahihiya ako kasi isa ako sa pinaka bata. Ngayon parang kami na yung mga ate. Galing nga ng kapitan namin eh, nagagawa niyang gawing close kami sa isa't isa. Kahit sa lower batch. Yung nakakapag kwentuhan kami about sa personal na buhay namin. Parang barkada lungs ganun! Naalala ko din, nung october nag open forum kami. Labas talaga lahat ng sama ng loob tapos after nun nag mcdo pa kami at nag chismisan. Cute eh! Ang bait pa ni coach. Feeling ko talaga crush ako nun. Hahahaha! Pogi ni coach tae lalo na pag nakashades. Pero first time niya magalit nung huling gami namin, kasi 2-2 yung standing namin pareho sa bracket. Pero kayang kaya naman, kaso nung second set nag kalat kami. (siguro nakampante) tas kahit panalo kami, di na kami kinausap after the game tas nagal8. Aw si coach tampururutsz. So yun lang naman.














