FIRST DAY OF OJT
Nagising ako ng 5 am kasi 7 dapat nakaalis na ko ng bahay, in-allot ko kasing travel time is 2 hours. ang dami ko ba naman kasing sasakyan para lang makapunta sa pag-o-ojt-ihan ko.
Nakaalis ako ng bahay ng mga 7:15. ewan ko ba bat di ko kayang sundin yung plano ko ng pag alis palaging sumosobra haha. mahirap talaga pag nasanay ka na sa pagiginglate.
FX yung una kong kelangang sakyan papuntang EDSA
tapos
BUS papuntang Starmall. Medyo mahirap yung pagtayo sa bus. ang hassle, lalo na pag may mga bumababa pa, ang siksikan, buti na lang aircon tas nakaupo rin naman ako kahit saglit lang.
pagkababa sa Starmall, JEEP naman sa Shaw para makapunta sa building namin.
nakarating ako ng mga 8:10 ata? napaaga ako. pero atleast ngayon alam ko na kung ano yung travel time ko, yung pinaka unang biyahe lang naman yung pinakamahirap eh, makakasanayan ko rin yung pagpunta pati paguwi.
Nung pagpasok namin, ang ineexpect ko, parang orientation lang ng gagawin tas ayun bibigyan na kami ng station, tas pagtatrabahuhin pero ibang iba yung nangyare.
Sinalubong kami ng Big boss nila tas naglecture siya about the company, about insurance, products ng isurance company, etc.
and pinasabay pa kami kumain sa kanya (treat niya) kasama yung ibang head ng mga office ata. akala ko sa mamahaling resto kami kakain kasi talagang nagsasakyan pa kami, yun pala sa isang simpleng kainan lang, sa may mga lutong bahay, good thing walang malaking table na available, kaya nahiwalay kami ng kasama ko, kasi kung ano man yung pag uusapan nila alam kong di naming maaapreciate, at baka ipasali pa kami sa usapan.
ang plano pala talaga sa OJT namin, i-immerse talaga kami sa company nila, para malaman kung anong pasikot sikot ng insurance company. No choice na siguro magiging trabaho ko, talagang nakalatag na yung path ko papunta sa isang insurance company.
plano kaming isama sa mga client meetings, tas sa underwriting, sa accounting, marketing, etc. para na rin daw mahanda kami sa SUITS training program sa summer, ewan ko nga kung sasama pa ko dun sa program na yun, pakiramdam ko madugo yung training na yun since may mga exams, pero maganda rin naman yun sa resume kapag natapos ko yung training na yun. yun nga lang tataas yung expectation ng employer ko kung malalagay ko yun sa resume ko, baka madisappoint lang siya kung hindi ko na deliver yung ineexpect niya sakin pero medyo matagal pa naman mangyayare yun.
kalahati ng utak ko nagugustuhan tong gagawin sa ojt namin pero kalahati ng tamad kong utak yung naiinggit sa ibang ojt ng kabatch ko, yung nag eexcel lang pati nagcocompute lang.
Mukhang hindi ko mararanasan yung pag-xerox at pag-timpla ng kape sa ojt ko. hahaha








