MARAMI ng beses tinanong ang sarili, "Bakit nga ba ulet ako naririto?" MARAMI ng beses katagang "ayoko na" sumagi sa isip ko. MARAMI mang lakad, MARAMI mang daan bago kita narating, sulyap sayo'y napawi lahat ng pagod at hinaing.. Sulyap na tuwing nagpapaalala kung gaano ako kaliit ngunit pinahahalagahan Mo pa rin. At kung saan ang kagandahan ng aking tanaw, pag-ibig Mo'y litaw na litaw.








