kamusta ka? nakakapag-blog ka pa ba?
Minsan sa sobrang busy nakakalimutan mong may blog ka pala. Minsan nakakalimutan mong may ipopost ka pala. Ang daming pending, daming utang tag post, daming dapat ayusin tulad ng theme sa blog mo, mga blog buttons (uso pa ba yun?), etc. Ano ba update sa Tumblr ngayon? Parang antagal ko nang hindi nakadalaw dito. Matagal tagal na rin na hindi ako nakapag check ng posts at blog niyo.
Parang and dami ngang bago sa Tumblr. Hindi ko na alam kung ano. Wala naman akong may natatanggap kasi na notifications. Hindi ko alam kung my bagong followers ba ako o unfollowers. Hindi na talaga ako updated. Nakakalungkot isipin na parang outdated na talaga ako. Pero okay lang yun. Masaya naman ako sa kasalukuyang life ko. Kahit hindi na nakakapag update dito, alam kong may mga taong naaalala pa rin ako. Teka! Oo nga pala. Naaalala niyo pa ba ako? hahaha. Siguro karamihan hindi na. Pero may mga kaibigan talaga ako dito sa Tumblr na patuloy pa rin kaming nagchichikahan at nagkakamustahan. Alam niyo naman kung sino kayo. :)
May trabaho na nga pala ako. yahoo! I-congratulate niyo naman ako. Biro lang. Happy lang ako. Salamat sa mga taong sumuporta sa akin lalo na sa Iyo Jesus. ^^
April 1 ngayon, April Fool’s Day. Sigurado marami na namang buntis “daw”, may nabuntis “daw”, kakabreak lang “daw”, namatay “daw, aksidente “daw”, at kung anu-anu pa ngayon. Nabiktima ka ba? Ako hindi pa. Ayoko. Parang nonsense. Taon-taon nalang iyan ang mga sinasabi ng iba kung friends sa FB. Paulit-ulit. hahaha.
Ooppss! Napahaba yata post ko. Actually dumaan lang naman ako para makapag-update ng blog ko. Antagal kong nawala. Matagal nga ba? Ba’t ba ako nag-taTagalog? ayay! Eh, walala ako sa mood mag-English. Ayoko namang mag-Ilonggo kasi kunti lang nakakaintindi. Okay lang at least sulat o type lang pagtaTagalog ko. Huwag lang ako magsalita dahil awkward pa rin pakinggan. Minsan nga napapaisip ako kung ano kaya reaction ng ibang tao pag narinig akong nagsasalita nun, noh? Paranoid ako minsan. Pag nagsasalita ako tinatanong nila agad kung Ilongga ako. Sabay tanong naman ako na, “Bakit? Pangit ba pakinggan?”. Siyempre sasabihin nila, “Hindi. Ang lambing mo kasing magsalita.” Awwww.. talaga ba? Sana nga totoo. hahaha.. O siya. Sige na. Bago ako magpaalam, gusto ko lang sabihin na.. “KAMUSTA KA? NAKAKAPAG-BLOG KA PA BA?”







