Bakit nga ba kailangan nating sumangguni muna sa Diyos sa mga plano natin sa hinaharap?
Habang nag-kakaroon tayo ng "spiritual maturity", mapagtatanto talaga natin na bawat plano na mayroon tayo para sa 'ting kinabukasan, kailangan muna natin palaging ipagdasal ang mga ito. Kung iyan ay kalooban ng Diyos mangyayare mga iyan, kailangan natin ng gabay, at kailangan nating sumangguni sa kanya. Hindi pwede yung gusto mo lang kahit hindi mo naman kailangan ay dapat matupad.
Minsan kaya hindi natutupad yung mga plano natin sa buhay, kahit na ipinagdadasal natin ay dahil hindi pa siguro panahon para sa 'tin yung gusto nating mangyare, marahil kapag ibinigay agad ng Diyos ang mga hiling nating mangyare ay mauwi lang sa hindi magandang posisyon at timing. Pwede ding kapag ibinigay niya agad ay mapalayo tayo sa kanya at hindi na makalingon pa sa pinanggalingan natin.
Kaya sana wag tayong magtampo o magalit sa Diyos kapag hindi naayon ang lahat sa buhay natin at hindi ibinibigay ang mga kahilingan natin. May dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga iyon. Karamihan sa mga pagsubok ay hinahasa tayo kung paano magiging matatag.
Kadalasan lahat ng nangyayare sa buhay natin na napapahamak tayo ay dahil sa sarili nating kagustuhan, ipinipilit natin ang mga bagay na hindi dapat. Kaya naman marapat na lagi tayong sumangguni sa Diyos para sa guidance.
Isaiah 55:8-9 [NIV] says,
“For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways,” declares the Lord.
“As the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways and my thoughts than your thoughts.
Manatili tayo sa pananampalataya kahit hindi naaayon ang lahat sa plano natin, kahit hirap na hirap na tayo sa pagsubok, manatili tayo sa kanya dahil darating din yung panahon na lilipas yung bagyo at muling sisikat ang araw, at sa pagsikat ng araw ay matatag na tayo dahil sa mga napagdaanan natin. Ang mahalaga dun ay kasama natin ang Diyos habang tayo'y nasa pagsubok at kapag kasama mo ang Diyos sa pinagdadaanan mo ay malalagpasan mo yan ng may buong pusong may katatagan sa hinaharap.
James 1:2-6 [NIV] says,
Consider it pure joy, my brothers, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith develops perseverance.
Perseverance must finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything. If any of you lacks wisdom, he should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to him.
But when he asks, he must believe and not doubt, because he who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.









