Para sa unang lalaking minahal ko
Itong araw na ito ay alam kong isa sa mga pinaka mahalagang araw sa buhay mo.
Naaalala ko pa di ba?
Nakakatawang isipin bahagi ka pa rin ng buhay ko kahit hindi na ako ganun para sayo.
At ito ako ngayon binabalikan ang mga alaala sa panahon na magkaibigan pa tayong dalawa. Kung saan masaya akong naglalakad sa mga sa daan Ortigas kahit pa malayong lakarin pa. Okay lang akong mahirapan ng dahil sa kasama kita. Yung nga panahon na handa akong piliin ka at ipagpalit ko sa mga kaibigan ko.
Titigan mo ako at titigan kita hanggang sa mag ngitian tayong dalawa. Walang magaakala na mapapa-ibig mo ako dahil sa lalaki kong pagkilos sa pagiging tahimik mo.
Hanggang sa patago na tayong nagkikitang dalawa. Sabay na papasok at uuwi, magpapahuli para hindi tayo mapansin nila.
Ang saya sayang balikan ang mga alaala nung masaya pa tayong dalawa.
Sa kasalukuyang panahon, masaya na lang akong nakikita kang masaya kasama na ng iba. Yung pangarap mo na hangad mo noon ay natutupad mo na ng kasama siya. Masaya akong nababalitaan matagumpay ka na at hindi na ako ang kasama. Kung tatanungin niyo ako kung nagsisisi ba ako. Medyo, oo, pero hindi na iyon mahalaga. Mas mahalaga ngayon ay kung saan ka sasaya pa.
At kung darating man ang panahon na pag tatagpuin tayo ng pagkakataon. Patawad, ang mga salitang sasabihin ko dahil isa ako sa dahilan ng pagkalungkot mo ng mga panahon kailangan mo ako.
Patawad, dahil hindi ako nanatili nung sa tabi mo.
Patawad, kasi hindi ko pinaglaban yung pagmamahal na meron ako para sayo.
Patawad, dahil hindi ako yung babae para sayo.
At salamat sa lahat ng masayang alaalang hatid mo sa buhay ko.
Maligayang kaarawan Rap.













