Sa Unang Pagkakataon
Ito ay isang kwento ng isang Lalaki, lalaking naghahanap ng liwanag mula sa kanyang madilim na buhay Pag-Ibig. Isang lalaking gagawin ang lahat para sa taong mahal nya, ibibigay ang lahat para sa taong nagpapasaya sakanya subalit sa kabila ng lahat, naiiwan syang mag-isa. Dumating ang araw na napagtanto nya sa kanyang sarili na ang Pag-Ibig na hanap nya ay mukhang hindi para sa kanya talaga, kaya sya ay nagpasya na gumawa ng huling hakbang upang subukan ulit hanapin ang taong kukumpleto sa kanyang napakalungkot na daigdig. (Fast Forward).
Nagtagpo ang kanilang mga mata sa loob ng isang silid aklatan sa isang pasyalan sa may norte. Habang sya ay naghahanap ng Komiks naramdaman nyang may mga matang nagmamasid sa kanya sa hindi kalayuan, dug dug dug dug dug naririnig nya ang pintig ng kanyang puso dala ng kasabikan na may halong kaba dahil sa unang pagkakataon makikita nya ang taong pansamantalang nagpapasaya sakanya ngayon.
Habang binubuklat ang bawat pahina ng babasahin na kanyang hawak, habang binabasa nya ang bawat dayalogo ng mga kakaibang taong nakaguhit doon magmula sa karakter na bakal, sa isang gagambang tao na nakamaskara at sa isang taong may hawak na hugis bilog na bakal na ultimong balute sa katawan. Mga kakatwang isip na nilalang na parang nagsasabi sakanya na “Huwag kang magalala,lahat ay naayon sa Plano ng nakakataas” napakaraming pumasok sa isipan nya na parang may fiesta sa kanyang ulo.
Ibat-ibang boses ang kanyang naririnig,ibat ibang lengwahe ngunit sa kabila ng lahat nangibabaw ang tawag na bumuhay sa kanya. Ang mga katagang "Shhh! Hi!" Mala anghel na boses mula sa isang dilag ang kanyang narinig, pinagmasdan nya ito ng mula ulo hanggang paa, at ng umabot ang kanyang paningin sa mga mata neto, nakaramdam sya ng kakaiba. Nakaramdam ang kanyang puso ng kakaibang saya at ligaya. Ngunit sya ay nawalan ng nautal sya at hindi nya mabuka ang kanyang bibig. Sya ay nabighani sa taglay nitong kagandahan, ang mga mata nila ay nagtagpo sa unang pagkakataon. Ang puso nya ay muling nabuhayan ng loob. .......









