BALASUBAS REPLIES KAPAG MAY NAGTANONG NG, “MABAHO BA ‘KO?”
Ayon sa survey, 8 out of 10 ng mga nagtatanong kung mabaho ba sila ay may paniguradong matinding kontribusyon sa pagkagunaw ng sanlibutan at naghihintay lang sa sagot na, “Hindi naman friend!” para isalba ang kanilang pag-aalinlangan. Pero ang totoo, mula sa kaibuturan ng nostrils mo, alam mong may mali na talaga. Medyo immune ka na kaya ganyan. Kaya kung gusto mong itanong kung mabaho ka ba, wag ka ng humingi ng second opinion dahil sure na yan! Kung ayaw mong makaencounter ng mga ganito kabalasubas na sagot.
“FRIEND. MABAHO BA ‘KO?”
1. “Bago ko sagutin, uso ba yung sabon at shampoo sa tribo niyo?”
2. “Kung kaya mong tanggapin ang katotohanan, sasagutin ko yan ng buong katapatan.”
3. “ Tanginuuhhhh!!! Nagsasalita yung taong-tae!!!!”
4. “Friend, lakas makasira ng pagkakaibigan yung mga ganyang tanong. Wag ganun!”
5. “ Di nga pre, sure ka na ba sa tanong mong yan?”
6. “Kung ayaw mo ng preskong hangin, respetuhin mo naman yung karapatan namin na makalanghap ng mabangong hangin.”
7. “Pero mukha ka namang mabango tingnan.”
8. “Ok lang yan, di naman masyado nakakaoffend eh.”
9. “Saan nakakabili nyang patis-scented cologne mo?”
10. “Amoy kutsilyo ka… na dahandahang humihiwa sa ilong ko.”
11. "The power of Christ compels you!! The power of Christ compels youuuuuu!!!“
12. “Pero maganda, matangkad at sexy ka. Ako… mabango lang. ‘Lika, palit tayo!”
13. “Pakibugaw nga muna ng langaw sa paligid. Hindi kita makita eh.”
14. “Naku ghurl. Sobrang sobrang chinecherish ko friendship natin. Sa iba ka na lang magtanong.”
15. “Amoy baby ka… mapanghi.”
16. “I have the right to remain silent and you have the right to a clean and healthy environment. Avail avail din pag may time.”
17. “Uhhmmm.. Hindi naman. Mabaho lang yung hininga mo, yung kili-kili mo, yung paa mo tska yung pawis mo.. pero overall, you’re good.”
18. “Nope. I just really find bagoong scent very irresistable.”
19. “Sure ka bang tinanggal mo yung plastic ng sabon bago mo ginamit?″
20. “Uy friend. Hindi mo na kelangang lumapit. Itetext ko na lang sa’yo.”
HAHAHA
















