PAGSUSURI: The Greatest Showman - Natuklasan kong magaling din palang kumanta si Wolverine
*Dapat last week ko pa i-ppost ito kaso hindi kaya ng oras. Minsan ko lang gawin gumawa ng isang pagsusuri sa isang pelikula at kung bakit ko ito gingawa. Dalawa lang ang maaring sagot. Maaring sobrang pangit o sobrang ganda. Noong Enero 16, 2017, isa ako at mga kasamahan ko sa trabaho ang nabigyan ng opportunity na makapanuod ng Super Advanced Screening ng The Greatest Showman sa Robinsons Galleria. Bakit super? Kasi sa January 31 pa siya ipapalabas. Nag-simula magpapasok sa sinehan ng mga 7:30pm at nag-simula ang programa ng 8:00pm kung tama ang aking pagka-alala. Sinimulan muna ng isang pag-bati ng isang DJ yata yun ng 99.5 Play FM sa mga audience at konting Promo mula Philstar. At siyempre, hindi ako nanalo. Pero nakakatuwa naman na ang isa kong kasama ay nanalo naman ng surprise gift. Surprise kasi hindi pa nila alam kung ano yun. Tatawagan na lang daw. Haha. Pagkatapos ng mga promo at konting announcement. Nagsimula na ang napakahabang trailler. Pero grabe ang gaganda ng mga ipapalabas ngayon 2018, ang lakas maka-sira ng budget. Haha. Simulan na natin ang pagsusuri sa palabas na The Greatest Showman. Napakagaling na Cast. Sa totoo lang, ang kilala ko lang dun nung una ay Si Wolverine (Hugh Jackman) at ang aking kamukha na si Zac Efron (Haters Gonna Hate) at yung ibang cast ay hindi ko na kilala. Pero sa palabas na ito. Masasabi ko na ito ang pinaka-break nila sa career nila. Dahil napakita nila ang talento nila sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte. Hindi ko makakalimutan yung kumanta ng This is Me, Yung ka-duet ni Zac Efron at yung kumanta Never be Enough. Patawad, hindi ko natandaan ang pangalan nila. Pero tanda ko ang mukha nila. Haha. Mismong kuwento. Ang palabas na ito ay tungkol sa acceptance. Pagtanggap mo sa sarili mo at kung anong meron ka. Akala ko nung una, typical na istorya na meron maaksidente sa grupo nila tapos ma-dodown sila, hanggang gumaling ulit yung na-aksidente tapos okay na ulit sila. Akala ko talaga ganun lang yung kuwento niya. Pero nagkamali ako. Mas malalim pala, mas merong tama. Maraming matututunan na kung iisipin, bakit kailangan pa natin ng ganitong palabas para matuto tayo? At hanggang kailan natin dadalhin ang aral na ito? Mga Kanta. Isang babala, pagkatapos ninyo mapanuod ang palabas na ito. Siguradong hahanapin ninyo sa youtube ang soundtrack nito. Sa sobrang ganda ng kanta, pagkauwi ko habang naka-bike, kinakanta ko na yung “This Is me” hanggang kinabukasan, habang nag-bibike. Ayun pa rin ang tumatakbo sa isipan ko. Pero ang malupit, hanggang pagpasok ko sa office. Ayun na din ang pinapakinggan nila. Isa sa mga paborito ko ay yung This is me, Never Be enough, Rewrite the stars, million dreams, tight rope Other Side at.. hmmm… Halos lahat pala. Pero yung unang tatlo ang aking Top 3! Choreography at Effect. Tulad ng sinabi ko sa una, napakita ng mga artista ang talento nila sa hindi lang sa pag-arte, pagkanta at Pag-sayaw. At kung sino man ang choreographer at video editor nila, Bow ako sayo. Pabortio kong part dun ay yung This is Me at The Other Side. Ang lupet ng arrangement nila dun. Tindig balahibo, muntikan na ako tumayo at pumalakpak sa loob ng sinehan sa kada kanta at sayaw na ginagawa nila. Medyo nabilisan lang ako sa kuwento nung unang part pero sa pagkalahatan. The Greatest Showman ay isang pelikula na para sa lahat. Kaya huwag kayo magdalawang isip panuorin ito.













