CPA by October 2016
Hi guys! (kunyare may kausap ako dito) So next week, May 18, 2016 ay luluwas na ako pa Manila para magreview. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa (etong post na to) kasi hindi naman ako famous, ni hindi ko nga alam kung may nakakabasa ng mga posts ko. Hahahaha. I just feel the need to say goodbye... for now. Ayoko kasi nung bigla bigla na lang nang-iiwan ng walang paalam. Hahahaha charot! So gaya nung iba ko pang social media accounts, hindi rin ako magdedeactivate dito though wala atang deactivate dito delete lang. Eh hindi ko naman kaya idelete tong account na to gaya ng hindi ko pagbura sa kanya sa buhay ko. Charot! So ayun na nga. Inactive muna ko hanggang matapos ang board exam sa October (pray for me guys!). Hindi ko naman hihilingin na wag niyo ako i-unfollow kasi for sure kapag nakita niyo yung account ko sa following niyo na inactive na for weeks or months ay iuunfollow niyo rin ako. Most of you pa naman eh hindi ako kilala personally. Ganyan naman kasi kayo. Hindi lang magparamdam, iiwanan na agad. Hindi ba pwedeng busy lang? Pwede naman magtanong. Charot! So tatapusin ko na to bago pa bumaduy pa lalo ang sinasabi ko dito. Paano ba yan? My next post (or reblog) after this ay sa October na. God bless guys! Thank you for reading this. -A










