Ba’t parang tumataba ka?
Malamang, koya. Payat kasi yung gusto mo, eh tabain ako. Leche.
taylor price

blake kathryn
One Nice Bug Per Day

titsay
🪼

⁂
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
Today's Document
DEAR READER

#extradirty

No title available
Mike Driver
todays bird

JBB: An Artblog!
Alisa U Zemlji Chuda
styofa doing anything

Kiana Khansmith
ojovivo

tannertan36
Sweet Seals For You, Always

seen from Malaysia

seen from South Korea
seen from Australia

seen from Malaysia

seen from South Korea
seen from Poland
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Italy

seen from United States

seen from United States

seen from Netherlands
seen from United States

seen from Singapore

seen from Poland
seen from Russia
seen from United States

seen from United States
@asdfghjiezel
Ba’t parang tumataba ka?
Malamang, koya. Payat kasi yung gusto mo, eh tabain ako. Leche.
Putang ina kase
Sinong gago ang memryado ang number ng ibang babae kesa sa number ng asawa nila? Di ba yung mga may kabit lang? Sinong gago ang makikipatext pa sa babaeng sinabi na nga ng asawa mong layuan mo na? Eh yung may kabit, diba? Putang ina! Sinong gago ang magbibigay pa ng pagkain sa babae kahit gipit na gipit na sya? Tang ina, yung may motibo o nasa relasyon lang! Putang ina, gusto kitang sirain pero mas masisira ako pag ginawa ko yon kaya tang ina tatahi-tahimik nalang ako dito. Ilang beses na kitang binalaang putang ina ka!
Directed by: Neil Lee Special thanks to: Steffi Hain, Carl Diego, Ferlyn Landoy, Nicholo Basa, Paolo Tabuena, 49-B Heirloom Kitchen, Paeng's, Satchmi, B Hote...
Hindi nya memoryado yung number mo, sakanya memoryado nya.
Ni hindi ka nya matanong kung kumakain ka ba. Sya, nagagwa nyang bilhan ng makakakain nya.
Eh putang ina, ang sarap magmura. Ang sarap magbasag ng gamit at muhka pero di ko kaya. Kaya putang ina nalang talaga.
I want you to love me like how you loved them. Not the same kind of weak love but the love which made you do crazy things for them. The letters of love you wrote. The bouquet of red roses on a valentines. The taking care during the weekends. The things that they took for granted are the things I am currently lusting about.
Pink Skies by Lany
Kuya, bakit may pagdedelete ng messages na nagaganap? Bakit?
Tita, may asawa at anak na po yang anak nyo. Give way na rin sana. Kahit hanggang November lang
Hehe. Thank you po. PS. Labyu po.
The problem is we think more than we love
Wala ng I love you. Di na nya ako mahal? Paano?
Hooo. Ate, lakas maka-Vicky ng feeling na ito. Kaso wala akong Daniel. At hindi ako maganda.
Si Bella Padilla nga, maganda pero iniwan. Si Angelica Panganiban nga, sexy pero niloko pa rin. Si Angel Locsin nga.. Jusme, Angel Locsin na kaso ipinagpalit pa rin. Huhuhu! Ate, paano? Ako ngay? Ako lang naman ito. T_T
Ba't ngay si Coco, hindi naman mammartek noon?
Ayun nga. So nangapitbahay kami ng aking sissy-in-law para makalanghap naman ng breath of fresh air ang aking baby boss dahil sa mga pangyayaring nakakagimbal netong nakaraan. Habang kumakain, napag-usapan nila nung pinsan nya ang tungkol sa mga mapapangasawa. Sigurado raw kasing magra-rap na naman kinagabihan yung tita/kapitbahay nila. Non-verbatim convo* Sis-in-law: Paano pag yung napangasawa mo lasingero? Anong gagawin mo? Cousin-in-law: Eh di maghihiwalay na kami SIL: Pano kung mahal na mahal mo? CIL: Hindi mo naman pakakasalan kung hindi mo alam yung pagkatao di ba? SIL: Bat si ate? *referring to me* ah! Hindi nga pala sya mahilig sa alak noon End convo* Yup. Marami nang nagbago. Wala pang isang taon pero ang laki ng pinagbago...
Pinasok mo yan. Magtanda ka.
I cannot be hurt by what I do not know
Walang natupad sa pinangarap mong graduation.
Bago ako pumasok ng law school, syempre fresh graduate ako... Inisip ko na agad kung papano ko gustong grumaduate from this. With flying colors, maganda, may hawak na medal at bouquet, may picture with my family, may picture sa processional* trivia:wala akong picture tuwing processional. Maski elem, hs, college grad. Wala akong picture na naglalakad papuntang upuan. Shet. Ganun ako kababaw na tao. Mga ganun lang ang gusto kong matupad. Hahah. Pero nung lumaon, ayun mapagtanto kong wala ng flying colors. Tinubuan na rin ako ng maraming pimples coz stress is real. Medyo lumamlam din ang family affairs ko so medyo crossed out na yung tatlo sa pangarap ko. Nagkapamilya at nagkaanak ng 4th year. At bago ang graduation, nagpost ako sa ig story ko na NANGHIHINGI *take note: ang kapal ng muhka ko pero hahahaha desperate times call for desperate measures. PICTURE NG STRAWBERRY ROSE with caption na PAHINGI PO NG STRAWBERRY BOUQUET SA GRADUATION. Nakita yun ng asawa ko. D^mn, my eyes sparkled! Nagreply pa yung kapatid nya ng "parinig pa more" Hahah! Hints dropped. 😊😊 kenekeleg eke. So the day ng graduation, nagsabi na si hubby na hindi makaka-attend kasi may pasok sya sa work so subukan nalang nya humabol. Sa loob ko "Habol ka nalang with baby and don't forget my bouquet hihi" No tampo whatsoever. Mas kelangan namin ng sahod nya. Lelz. Ayun, pinapunta ko dito sa bahay yung kapatid nya kasi magpapakilay ako. Hahah. I can do my own make up. Mas mura yun kesa magpaayos sa labas. At least presentable, okay nako dun. Bigla rin nasavi nung kapatid nya, "baka bigyan ka pa ni coco ng bulaklak. Ayiieee. Kilig ka na nun ah" pero kako wag nakong umasa kasi di nga sya makakapunta daw... Pero deep inside medyo na-feel ko yubg self kong nagsavi ng "amen" hahaha. At nakahabol naman si kyaah bago kami magpuntang school pero nagpaiwan sa sasakyan dahil ihahatid nya yung kapatid nya pauwi. In-assume kong bibili sya ng bouquet. Actually, ipinagdasal ko na. Minsan lang ako gagraduate ng college of law. PS: WALA RING PA-BOUQUET SI MAYOR NONG VALENTINES.. so ayun, pumila na kami ni tatay ko para sa processional. Wala kaming ibang kasama, wala na naman akong picture ng processional. Shet, naiiyak nako. Pero smile pa rin, dapat maganda. Hehe. Lakad lakad. Keme keme. Aakyat na sa stage para sa hooding. Di pa kami nakakasampa sa hagdan, sabi agad ng tatay ko "Pagkatapos neto uwi na tayo" Pakshet, dad! Kunin ko naman muna diploma ko pwede? Hooding palang to! Syempre di ko nasabi yung pakshet sa tatay ko. Hahahah. Medyo nangingilid na talaga luha ko. Pagkatapos non, bumalik na kaming upuan. May mga miscall na si kyaaah. Hooo! Nag-eexpect nako ng bouquet. Lord, kahit yung bouquet nalang matupad, oh! Nagtetext na sya at nagtatanong kung asan ako. Andito na kaya sya sa school? Naghihintay na kaya sya sa likod na may hawak na bulaklak? Shet. Ang assumera ng taon! Nakuha ko na yung diploma ko, wala pa ring nagpapakitang anino ni coco.. Yung tatay ko kating-kati nang umalis, wala na sa upuan nya. Sabi ni atorni na katabi nya umuwi na raw. Sinubukan ko syang hanapin sa likod, ayun sya, ang salubong sakin "uwi na tayo. Wag mo nang tapusin. Tatapusin mo pa ba? Asan na si coco?" Sumalangit nawa ang pangarap kong magkaroon ng family picture pagkatapos ng graduation rites. Umutang nako ng load sa globe para matawagan si coco. *thanks globe! Tho nagbayad ako ng mas mahal para dun.. NV Me: asan ka na? Coco: Biday. Tapos na ba? Me: hindi pa, pero nakuha ko na diploma ko Coco: tatapusin mo pa ba? Me: hindi na, nauuwi na si daddy Coco: sige, punta na kami nila lola at baby jan. Naiiyak nako. Nanginginig na at gutom na. Pinabili ko ng tubig yung tatay ko. Bumili naman sya. Daming mga taong nagtitinginan sakin, nakasuot pa kasi ako ng toga. Hello! Sa tinagal-tagal kong nag-aral at sa hirap ng mga pinagdaanan ko, hayaan nyo nakong ienjoy isuot to noh! Dumating si daddy na may hawak na tubig. Dumating sina coco. Walangbouquet. Nadurog ang puso ko. Walang natupad sa mga pinapangarap ko. Walaaaaa! Shemay. Hanggang ngayon masama pa rinloob ko. Bes, sana nagpabili nalang ako sa kanya! O kaya sa kapatid nya.. May pera naman ako! Support ko nalang sarili ko. Let's be independent, self! Tapos na grad. Tapos na. Wala na. Hay, buhay.
Hindi ko na maalala kung ano ang pakiramdam nang kausap yung asawa ko nang tatagal sa 10minutes.
Rant na naman ito, bes! Scroll down para di mabanas sa life. 😉 Ayun nga. Namimiss ko na syang kausap nang matagal. Yung kung saan-saan napupunta usapan namin. Yung masaya lang. Napaka-attention deprived ko na. Kasalanan ito ni RyJa. Anak ko yun, wag judgmental. Nagjojoke ako. Hahaha. Anyway, ayun nga. Ang laki talaga ng pagbabago kapag kasal na at may anak kayo. Sobrang nabawasan ang oras sa isa't isa. Idagdag mo pa yung napakarami nyang ganap sa office, barkada, pamilya, at sa life nya. Ako? Sa pangarap. Huhu. Ang hirap pala talaga ng ganito. Mabuti nalang naalala ko na password ng tumblr ko. At least hindi 'ko umiiyak mag-isa tuwing gabi at tulog na yung anak namin. Heheh. Mantakin mo kasing aalis si kyah ng 6am or 7:30 ganern tapos uuwi ng 6:30 or kagaya ngayon na alas nuwebe na, wala pa rin sya at di ko alam kung anong oras sya uuwi... Hay, life. Magbabasa nalang ako after ko maipost ito.. Babush!
Hi! Gusto ko rin maka-experience magpakasal.
Hahahah! Oo, nakakatawa. Dati ayokong magpakasal. Ayoko nung nakaka-praning na almost a year preparation para lang sa kasal. Ayokong maraming kaek-ekan sa life. Pero sa tuwing nakakakita ako ng wedding pictures ng friends ko o may malalaman akong nagpapre-nup pictorial na kakilala ko, there's a tiny voice inside my head whispering "Sana ako din. Sana ma-experience ko rin yung ganon." Ngayon ko pa pinangarap, noh? Kung kelan ako nagkaanak, kung kelan wala akong pera, kung kelan parang di naman ako mahal ng asawa ko. Lol... Sa tuwing magpapasaring ako ng tungkol sa kasal, sagot nya sakin "Bahala ka" Ayun, namamatay nalang yung kagustuhan kong magpakasal. Wala naman akong groom kasi😂 at wala rin akong pera pangtustus sa magarbong reception na pinapangarap ko. So... Tiis-tiis muna ang ate nyo. Malay ko kung sa next life ko magkaroon ako ng jowang mahal na mahal ako na ibibigay lahat ng luho ko sa kasal, at sa buhay. Hehehe. At least pogi yung napangasawa ko at pogi rin itong anak namin. Pakunswelo sa lahat ng nasirang pangarap ni ate girl. Heheh. So ayun, hanggang dito na lamang po, Ate Charo. Di na'ko mangangarap. Sumalangit nawa ang pangarap kong maikasal nang maganda at bongga. Hehe.
“Paano ka kaya nila nagustuhan? Eh, ang murseng mo naman.”
Salamat po, ha? Much needed validation from you po.
I needed saving but you pushed me to the cliff.