Huwag mag madali, papunta din naman tayong lahat doon. Namnamin ang bawat, tag araw, tag ulan o ano pang panahon, mahirap, masakit, kasiyahan sa buhay, langhapin ang hangin hanga’t kaya.
Namnamin ang bawat araw ng gising kahit mahirap man ito o mabigat, kasama ito sa buhay, ang kasiyahan atbp.
Hindi ito pamaalam, ito ay pag hahanda at papunta din naman tayong lahat doon.
Kung sakali ako’y mauna, ito ang gusto ko, mag exhibit ng mga moving images video art ang mga kaibigan sa burol ko, mag patugtog ng music ng kahit anong genre. Maging masaya na minsan may isang Sabayton nagka sabay tayo sa buhay na ito.
Sa ngayon, tuloy muna ang simpleng buhay na tayo mismo ang mag bigay ng kulay. Gawing makabuluhan at maysaysay, oks lang madapa, pero bangon uli, oks lang masaktan at mag magpagaling at iba pang bagay sa buhay.
Ang daming kaibigan na nawawala sa panahon ngayon kaya napapaisip din.
Pero syemps, gusto ko pa mabuhay ng matagal at makita ang magiging apo kung sakali mag karoon man. Sa ngayon ay mag survive muna.
Huwag mag madali, papunta din naman tayong lahat doon.
#Bayawgraphy
-Sa larawan at nag sketch ako sa papel at nilagay sa google pinaayos sa prompt.
Hindi naman eksaktong yan pero mala ganyan maraming monitors mapa crt tv, flat screen, video projector, tablet cellphone basta moving images/film/video kahit tiktok. 😂












