Me: (Nagbike ng madaling araw... Dumating sa destinasyon, Philippine Arena...)
Me: (Napag-isipan na maaga pa at bumisita sa Pandi, Bulacan dahil maaga pa naman, matagal ng hindi nakakadalaw sa kumpare at kumare at along the way pabalik naman...)
Kumare/Kumpare/Barkada na kasamang mag-ride: (Kape at Tinapay)
Kumare/Kumpare/Barkada na kasamang mag-ride: (Tubig at biscuit)
Kumare/Kumpare/Barkada na kasamang mag-ride: (Bday ni kumpare sa linggo, mag-2 botts daw muna kami...)
Me: (kinakabahan dahil tatanghaliin ng uwi at mapapagalitan ni misis... Nagtext na nasa Pandi pa kami...)
Kumare/Kumpare/Barkada na kasamang mag-ride: (Nag-inom na nga... Dun na daw kami maglunch dahil nakapag-saing na...)
Kumare/Kumpare/Barkada na kasamang mag-ride: (Naglunch... Nyam nyam... Chooks to go...)
Me: (Nagmessage sa bahay na bumili na ng ulam at tatanghaliin na talaga...)
Misis: Anong oras kayo uuwi? Hay naku kayo! Hinahanap ka ng anak mo! Anong oras pa kayo umalis! Bahala ka, nakakainis, Ibebenta ko na yang bike mo! Magenjoy ka na ng husto diyan!
Me: (Nagiisip na ng pasalubong para sa pag-uwi...)
Me: (Nakauwi... Pagod... Derecho ligo... Lambing kay baby at kay mommy. Nagsorry kay mommy... Ayaw tanggapin...)
Me: (Nag-login ng maaga sa work para makapagwork habang buhay pa ang diwa at may lakas pa para maalagaan din si baby...)
Me: (Naka-isip ng magandang gimik para pampasaya ng araw ni misis... Nagpabili ng pizza softdrinks at lutong ulam sa labas...)
Misis: Peace offering? Aaahhh... Nice. :)
Me: Sorry mahal... (Napangiti, akala okay na... Naging busy sa work at kay baby... Excited magkwento kay misis about sa biking experience...)
Me: (During dinner... Nagkwento nung nangyari...) Ang hirap pala pumunta dun taas baba, tapos nasira yung bike ko...
Misis: Di pa din ako natutuwa. Wala naman sa usapan na pupunta kayo dun ah! Tandaan mo hindi ka single! May asawa't anak ka!
Me: Di ko naman sinasadya na ma-late ng ganun... Eh ang kulit nila at bday nga daw kasi ni Kuya G sa Sunday... Eh um-okay na din ako, minsan nga lang naman at for sure di na mauulit... 2010 pa kami huling nagkita kita...
Misis: at jinu-justify mo pa talaga wah!
Me: Aminado naman ako na mali yun, pero tapos na eh. Kaya nga nagsosorry nalang ako. (tumayo sa dining... Kunyare sinundan si baby sa room pero ang totoo nawalan ng gana... Di na, nagsalita hanggang sa matapos ang dinner and all...)
Me: (trying to work and take care of the baby dahil ako lagi kinukulit ni baby kapag working hours... Dahil love na love ni daddy sympre...*teary*...)
Me: (Antok na antok pero ayaw sumuko dahil need ko nga alagaan si baby at magwork, need ko din ipakita kay misis na kaya ko dahil need niya din magwork... Dahil sasama loob nun kapag natulog ako...)
Me: (parang zombie na pero kinakayofa pa...)
Me: (nakapag-signout na sa work! Nahiga sa tabi ni misis while she was working...) Sorry ulit mahal...
Misis: (naghurumentado na di ko na maalala yung sinabi dahil sa antok...)
Me: ako, kaya ko pang gumising kahit ipakita ko pa sayo ngayon para lang mabantayan si baby... Kahit antok na antok na ako.
Misis: talaga lang wah! (Provoking tone.)
Me: (sobrang pagod.. naglaro ng mobile game para mgising) mahal, pinipilit kong maging gising buong araw para ipakita sayo na tutulungan pa din kita sa pagaalaga kay baby dahil alam kong kasalanan ko din naman. Umisip din ako ng paraan kanina para gumaan man lang yung loob mo sa akin kanina pero parang balewala naman pala? At bakit parang pinapalabas mo na wala akong kwentang asawa, eh hindi ko naman kayo pinapa-bayaan. Nagmessage pa nga ako ng maaga sa gc natin para magbilin kay scholar(may pinagaaral kasi ako) na bumili at magsaing dahil male-late nga ako ng uwi. Di ba sapat yun na iniisip ko kayo? Uwing-uwi na din nga ako that time dahil alam ko namang magagalit ka.
Misis: o alam mo pala eh, eh di sana umuwi ka?
Me: Uuwi akong mag-isa? Nasiraan pa nga ako pabalik. Ganun nalang ba ako ka-iresponsable sayo? Ako nagluluto at namamelengke, pati mirienda. Ako din nagaalaga kay baby... (End)