Subukan mo lang. Subukan mong intindihin ang mga salitang hindi lumalabas sa kanyang bibig. Subukan mong titigan ang mga mata niyang puno ng sakit at bigat na nararamdaman. Intindihin mo nalang. Intindihin mo kung hindi siya gaano nagsasalita, gusto niya lang mapag-isa. Intindihin mo kung minsa'y tinatalikuran ka niya, gusto niya lang habulin mo siya. Gusto niyang maranasan. Gusto niyang maramdaman kung may mga tao ba talagang hindi siya kayang tiisin. Gusto niyang maramdaman na kahit minsa'y may halaga siya. Isa lang ipapakausap ko, subukan mong intindihin at iparamdam sa kanya kung ano ang dapat ibigay sakanya dahil gusto niya ding maranasan kahit minsan.






