current location: Japan, kung saan halos every week eh lumilindol pa, aishh
paano ko nga ba nairaraos ang araw araw dito sa gitna ng pandemic na covid-19 na yan? hmm, simple lang: eat.sleep.work.repeat.. walang room sa katawan ko para magpanic, meron lang mind set na dapat panatilihin kong healthy ang aking katawan para di ako dapuan ng virus o ng kahit anong sakit in general. una sa lahat, mahirap magkasakit sa ibang bansa, magisa lang ako at may language barrier.. nung nagpabunot na nga lang ako ng ngipin eh bahagya na kaming magkaintindihan nung receptionist at dentist, buti na lang kahit barok eh nakakapag-english ung dentist at nagkakaintindihan na lang sa body language..
Japanese dentist: あなたうぉんぎぴんぶ碌な、かいらんがんあたんがりな
Me: . . . gomenasai, nihongo wa wakarimasen T_T
eh di lalo na kung sa local hospital ako maconfine di ba tapos madalas ichecheck ng nurses tapos may sasabihin sila tapos tuturukan na pala ako sa pwet hindi ko pa alam, ang hirap nun, haha..
so ayun nga, instead na magpanic ako at balutin ko ng takot ang sarili ko eh magpapakahealthy living (trying!) na lang ako.. kumakaen ng fruits everyday, umiinom ng vitamins every night, umiinom ng maraming water, naghuhugas ng kamay, naliligo araw araw, twice a day kumukuha ng body temp, dinededma ang mga toxic na katrabaho, umiinom ng alak every other week, o di ba healthy living? :D
since the outbreak, naging cautious na din ako sa mga hinahawakan ko sa labas especially sa railings sa loob ng train - iniisip ko na lang na nagsnow board ako kapag walang makapitan :) .. dahil kakaunti ang alcohol ko dito sa bahay (nagpanic buying din sila ng beri layt kaya wala akong nabili) kaya dapat maingat ako.. buti na lang sa opisina meron silang nakahanda na alcohol sa entrance pa lang ng building.. refill-an ko kaya ung 60ml bote ko mula dun? ~evil laugh~ hahaha bad..
recently lang pinayagan ng pinagtatrabahuhan ko ang mga contract persons na magwork from home (telework kung tawagin nila) nung hindi nagsusubside ang cases dito.. unang implementation eh once a week, tapos naging minimum ng 2 days ang telework.. natuwa naman ako kasi pagkakataon na to at saka maranasan ko magwork from home, mababawasan ang distractions, joke! pareho lang pala, aabalahin ka ng kateam mo sa chat kapag may hindi sila maintindihan (facepalm) pero syempre dahil team player ako, tutulungan ko sila.. ung ibang pinoy dito, as usual, mareklamo pa din kahit pinagbigyan na nga magwork from home, kesyo masakit daw sa likod - nakahiga ka ba sa sahig habang naglalaptop?? - di ko sila magets, convenient na nga un eh (para sa akin ha), ikaw na lang magaadjust kung pano mo gagawing komportable ang pagtatrabaho mo.. ginawa ko pa ngang isang monitor ang tv ko para dalawa screen ko eh, parang nasa office lang, hehe.. dahil sabi sa memo na “minimum” of 2 days daw, umasa ako na papayag ang bisor ko na dagdagan ang telework days namin, hindi din pala, 2 days lang talaga ung parang okay sa kanya, saklap.. anyway, okay na din un tapos itatapat sa huwebes at biyernes, ayos, para na kong naglong weekend..
in the meantime, sa pinas naman nagdeclare ng lockdown pero hindi agad pinatupad.. so parang ung nabasa ko ung nangyari sa wuhan, 5M katao ang nakalabas na ng probinsya bago pa nagstart ung lockdown kaya naman ung mga potential carrier eh makakapagspread ng virus, at ganun na nga ang nangyari.. aligaga tuloy ang mga pinoy, ang karamihan nagpanic buying, ayun wala na tuloy mabiling alcohol ang family ko kasi sa mga puto~?@#&!#@ mga hoarder na yan, hindi na inisip ang ibang kababayan nila, especially ung mga mahihirap at mas nangangailangan.. sa inyo na alcohol nyo, kung hindi din naman kayo maalaga sa katawan magkakasakit din kayo ~evil laugh ulit~ wehehe charot..
as usual, tipikal na pinoy, maraming opinion tungkol sa lockdown, kesyo bakit daw militar at mga pulis sa check point, kesyo martial law na daw, may pahash tag pa na i-oust ang pangulo.. susginuo mga taong ito.. sa halip na sumunod eh panay reklamo, di na talaga uunlad ang pilipinas kapag ganyan.. kahit sino naman umupo, kung ung sarili mo naman hindi mo ma-improve, paulit ulit lang ang mangyayari.. hindi naman natin dapat i-asa lahat sa pamahalaan, dapat lawakan muna natin ang pagiisip at simulan ang pagbabago sa sarili.. wala namang inaalis na karapatan o whatsoever, ung kapakanan mo pa nga ang isinasaalang alang dito.. ung mga umuwi ng probinsya, nagself-quarantine ba? syempre hindi lahat gagawin ang ganyan di ba? un ngang kasamahan ko dati sa trabaho, umuwi sya mula japan 2 weeks ago, nakakiss na daw sya sa asawa nya nung pagkauwi (buntis pa ung asawa nya ha) eh pano kung carrier pala sya ng virus? eh di nilagay na nya sa panganib ung asawa nyang nagdadalang tao? pinagseself quarantine nga sya ng company nya kaya hindi muna pinapasok tapos panay naman ang gala, hayyy people.. when will you learn?? hmmm..
sa mga galing manila, matuto po kayong magself quarantine, para sa safety ng family mo din naman un.. mabuti nga kayo kasi andyan lang sa paligid ang pamilya nyo, isipin nyo naman ung mga ofw na magisa lang sa ibang bansa na affected din ng virus, mas masahol pa sa self quarantine ang dinadanas nila dahil kailangan nilang harapin ang kada araw ng mag-isa, literally..
let us keep ourselves healthy.. keep calm..
let us keep our faith and pray always..
matatapos din ang ka-virusan na ito..