Hindi pwedeng sunod-sunod ang saya dahil magsusunod-sunod din ang lungkot.
Panood na lang ang medyo nakakapagpasaya sa akin. Yung mga random na medyo matatawa ka. Wala pa rin akong gawain na talagang sumasaya ako. Gusto ko sana yung saya na hanggang buong katawan ko at kaluluwa ay masaya rin.
Ilang milyon ko pa kaya sasabihing “Pagod na ako” tsaka ako susuko na talaga?
Bakit ba palagi na lang akong nagkakamali? Nakakapagod mag-sorry. Nakakapagod mag-explain.
Sana ‘wag na nilang dagdagan pa ang mga gawain ko. Sana hindi na nila ipagawa sa akin ang mga bagay na sa kanila naman nakatoka at sila naman talaga ang makikinabang sa huli. Sana patas ang bigayan ng trabaho.
Pagod na ako.
Sobrang nauubos na ako.
Ano na ba ngayon ang magpapasaya sa akin?
Sana pwede akong lumayo.



















