(via https://www.youtube.com/watch?v=jolr4pgb0Lw)
“...Matatanggap ba ako Kung magbabalik sa 'yo Sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo Wala man akong nagawa Nung unang ika'y nawala Wala sa hinagap na ako'y mabibigo Wala sa hinagap na ako'y mabibigo....  “
habang binabasa ko mga isinulat mo nuong mga panahon iniwan kita... nuong mga panahon umiiyak ka.... nuong mga panahon parang gusto mo ng sumuko... nagagalit ako sa sarili ko....
sa totoo lang, umiiyak ako ngayon... dahil hindi ko maisip na ganon ang mga pinagdaanan mo... dahil ako ang may kasalanan... hindi ikaw... hindi mo yun dapat pinagdaanan.
hindi ko na maibabalik ang panahon... hindi ko na kayang alisin sa isip mo ang mga nangyari... hindi ko na kaya pang punasan ang mga luhang natuyo na... hindi ko na kaya pang ibahin ang nangyari....
pero kaya kong gawin ngayon. ay itama ang mga maling nagawa ko. gawin ang mga naunang pangako sinabi ko. mahalin ka... dahil mahal kita.













