Yari ka Faye, nafall ka na ata. 💔
Alisa U Zemlji Chuda
Mike Driver

Janaina Medeiros
trying on a metaphor
he wasn't even looking at me and he found me

@theartofmadeline
NASA

blake kathryn
DEAR READER

titsay
dirt enthusiast
noise dept.
Three Goblin Art
No title available
Today's Document

JBB: An Artblog!
Cosmic Funnies

izzy's playlists!
YOU ARE THE REASON

if i look back, i am lost

seen from United States
seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from Russia
seen from India

seen from Italy
seen from United States
seen from Germany
seen from United States

seen from Spain

seen from Germany

seen from United States
seen from Singapore
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Singapore
seen from Germany

seen from United States
@dyulipey
Yari ka Faye, nafall ka na ata. 💔
Lahat naman tayo magiging independent eventually
Just a moment of appreciation how my friends love me.
A while ago I was emotional, so I posted an update on my Facebook and Twitter just so the person behind my feelings knew it indirectly (well it worked without him being mentioned). Anyway, minutes passed and friends leave their comments and their PMs, and for me that is so unexpected ‘coz for me when I saw someone posting how they feel like they were sad I’m just gonna sympathize and hit a like button or react a sad face but they don’t. They just don’t like the status or sympathized on how I feel. They motivated me, uplifted me and made me feel loved... In that way I found out that I have reason no reason to be sad because I have them. Thank you Lord.
S: kumusta ka na?
M: miss ko na siya.
S: Sino?
M: Tuwing biyernes ko na nga lang nakakasama hindi ko pa nasusulit. Natatakot akong baka mapalitan ako sa buhay niya. Ang daming tao ngayon sa buhay niya - sa buhay namin.
S: Praning ka lang Faye.
nakakasenti talaga tumambay sa tumblr. Nak ng
Hinding-hindi ko makakalimutan yun nung sinabing
“Alam ko kasing malapit ng matapos ....”
AMEN!!
Sometimes, it’s easier to tell a stranger something very personal. It`s like there’s less risk, opening yourself up to someone who doesn’t know you.
Linwood Barclay (via hplyrikz)
this is totally meeeee
CATCHING UPPPPPP!!
It’s been a long day without an update, and I’ll tell you all about it since I logged in again....
HOOOOYAAAAA anyways highways.. Bukas ang first and last day ng exam week for prelim para sa aking second to the last semester sa lozool (GRADUATING FEELS) .. Ganito talaga yung paboritong oras ko na mag-update ng blog eh, yung dapat nangangarag akong magreview pero eto ako sobrang chill lang... Wala naman akong ishe-share ng bongga pero isa lang ang masasabi ko ANG SAYA MAGPRACTICE TEACHING!! yun nga lang nakakapagod talaga :( Kanina nakikipagjamming ako sa mga esudyante ko tapos umupo ako sa may armchair tapos hinimas ko tapos napasabi talaga ako “Ghad! Miss ko ng umupo sa ganito at mag-aral na lang. Kaya kayo mag-aral kayo ng mabuti.” at syempre may kolokoy akong estudyante “Mas masarap matulog ma’am” .. What I hate most sa practice teaching ko eh yung part na meron akong separation anxiety sa La Salle ... Like 3 days lang akong di makapunta feel ko super outdated na ako, feel ko kailangan ko na ng hangin mula sa mga puno ng La Salle at miss na miss ko mga kaibigan ko!! Peroooooo masaya naman ako after all kasi dahil sa practice teching umuuwi na ulit ako ng may liwanag pa hahaha ...
Mukang matagal pa yung susunod kong update at hindi ko na din muna ito madudugtungan dahil nahihilo na ako sa antok mehehehehe. Good night Dyulipey.
You were the best-est friend I ever had. Sobrang swerte ko para magkaron ng kaibigang kagaya mo, yung sasamahan ako sa lahat, makakatawanan ko, kasama kong babyahe sa kung saan-saan, nililibre ako ng kung anu-ano, makakakwentuhan ng mababaw hanggang sa malalim na takbo ng utak, makakasundo sa lahat ng bagay, nakakapagbigay ng positibong pagtingin sa lahat ng aspekto ng buhay, nakapagbibigay ng lakas ng loob, ng ngiti at ng tiwala sa sarili. Package! Bonus na lang na negro siya. Joke. Hahahaha. Iba talaga! Solid! Sabi ng kapatid ko nagbago daw ako simula nung naging magkaibigan tayo, lumakas daw ang loob ko, syempre ako naman natuwa. Oo, minsan may mga pagkakataong may negatibong dulot pero mas nangingibabaw yung positibo. Pakiramdam ko hindi lang lakas ng loob pati lawak ng pang-unawa eh nakuha ko ng dahil sa pagkakaibigan natin. Kung hindi kita naging kaibigan, ewan ko na lang kung papaanong masusurvive ko ang lahat, siguro kaya ko pero mas mahirap. Paano nga ba tayo umabot sa ganito? Anong ginawa ko para magkaron ako ng gaya mo? Hindi naman tayo tipo ng magkatabi sa first day ng klase, hindi din naman tayo iisa ng circle of friends? Hindi din naman tayo loner at natagpuan ang isa't isa, sa katunayan eh meron tayong mga kaibigan, tunay din naman. Hmm siguro meant to be nga talagang maging magkaibigan tayo, meant to be nga talaga na pagsamahin tayo sa iisang problema, meant to be na tulungan ang isa't isa–wow meant to be, big word! Isa ka sa mga kaibigan kong magpapatunay na posible ang girl and boy friendship, sabi kasi nila kapag babae't lalaki daw ay masyadong magkalapit hindi maiiwasang magkaron ng feelings sa isa't isa. Well ibahin nila ang samahan natin. Dba? Dba? Kahit ilang beses nila tayong pagtambalin at asarin na "kayo talaga ang para sa isa't isa" syempre tatawanan lang natin sila, baka hindi nila alam ang pakiramdam na magkaron ng samahan na meron tayo, mga taong hindi nakamulatan yung ganito. "Tara baks, inggitin natin sila bwahahaha" Sa ngayon, malaking parte ka na ng buhay ko. Naiimagine ko na nga yung future natin na nagkakape at nagkekwentuhan ng tungkol sa buhay may asawa natin eh, mga hinanakit sa mga boss natin at syempre utangan (BWAHAHAHA) .. Sana kapag dumating na yung taong magmamahal satin, matanggap na merong kagaya natin sa isa't isa. I mean hindi tayo paglayuin. Sanaaaaa... Takot na din akong mawala ka sakin e.
Handa
Kinikilig ako para sa future (tapos biglang hindi dumating noh?) Wala lang kasi feeling ko ano, uhm kapag nagmahal ako next time buo at masaya ako. Meron kasing inexplain sakin si Kath.... diba ang symbolism ng magpartner ay yung heart na may biyak sa gitna (other half kumbaga) tapos sinabi sa akin na medyo may mali sa ganung POV ng love kasi dapat daw kapag nagmahal ka buo yung puso mo kasi kapag nagmahal ka ng hindi ka buo at yung taong dumating ang kumumpleto sayo, mali yun kasi paano kapag hindi fit? mas malaki o mas maliit edi sobra na o di naman kaya kulang, ending may hahanapin ka pang iba.. Dapat daw kapag nagmahal ka buo ka, kapag handa ka ng magmahal dahil buo ka na, makukuntento ka sa kung sino man ang dumating kasi buo ka na eh, wala ka ng hahanapin pa.
Sa ngayon, inaamin kong hindi pa ako buo pero okay lang. Alam kong mahabang proseso pa pero worth it. Mamahalin ko na muna ang sarili ko, mas okay naman yun diba? :)
TRUE AND SINCERE KIND OF LOVE!!
Ngayon ko lang aaminin sa samabayanang walang nakakaalam na isa siya malaking dahilan ng pagmu-move on ko. Hindi dahil sa nabaling sa kanya yung feelings kundi dahil sa bonggang pag-uplift niya ng confidence ko sa sarili ko. Siya yung tipong kokontra kapag sinabi ko sa sarili ko na “Ang ganda ko talaga” pero magugulat ka na lang na out of the blue ipapaalala niya sa akin na "maganda ako with a heart" super genuine. Sinasabi niya sakin na ang tanga ko sa ginagawa ko pero ganun naman talaga kaibigan dba?
Minsan nga napapaisip ako, ano bang meron sakin at napakaswerte ko sa kaibigan (MORE FRIENDSHIP BLOG UPDATE TO COMEEEE) I mean sobra! Itong taong to napakadami ng humahanaga sa kanya dahil sa pagiging goal oriented niya at sa talent niya. Husband material!! Hahahahaha oo naman hindi ko itatanggi na once in my life nagkainteres ako sa kanya dahil sa qualities na meron siya pero naisip ko na mas okay siyang kaibigan dahil sa paraang yun ko siya abot kamay hahahahaha, tsaka ayoko umasa at halata naman sa personality niya na high standards siya. I’m fine sa pagiging friend.
Ayun nga lang dahil sa pagiging friends ko sa kanya ay najudge ako pero okay lang. Hmm nanghihinayanag ako para sa mga taong naunang nagkagusto sa kanya bago siya kinaibigan, meron na tuloy “awkward feels” pero kasi sobrang saya niya maging kaibigan sa totoo lang kahit mapanglait siya at sobrang honest (kainis) HAHAHAHAHA
That’s all. Haaaaay. Salamat Lord!
Strengthen
People start to chat and ask for how I am today b'cos of my latest updates sa facebook. It's more of Godly quotes kasi. Hmm nagstart siya nung kelan na nagti-twitter ako tapos napasabi ako ng ipost ko sa FB. wala namang masama at maganda naman ang message tapos I expect nothing naman for posting that tapos during the time na nakapost yung mga quotes sunod-sunod ang notif ko. Kaya naman ako, namotivate magpost. So nagpost ulit ako the next day ng Godly quotes. Oo, natuwa ako kasi madaming likes kaya umabot sa puntong nagpost pa ulit ako kinabukasan kasi naniniwala ako na sa mga naglike ng post ko na binasa nila yun at kung binasa nila yun kahit papaano ay nadama nila yung message ni Lord. Kaya naisip ko dadalasan ko na'to. Wala namang masama dba? And then people ask me what was wrong like: "Okay ka lang? Bakit panay bible verse?" "COG ka na ba?" "Taray maka-Diyos na" tapos nagbow pa. Tapos meron pang "Magpost ka ng Filipino, para naman mas maganda" Aba! Dinare pa ako! Teka teka. Di ko uurungan yan! Hayss nalungkot ako personally pero masaya ako kasi I can now show off my faith kay Lord. Believer ako ni Lord ever since, hindi lang talaga ako yung tipo ng pala-post at pala-simba. Iniisip pa nila na dahil sa break up na pinagdaanan ko kaya ako ganito. Oo guys! Dahil sa break up! Wala akong ibang nakita kundi si Lord!! Nagmu-move on ako at napakapit ako kay Lord! I'm constructing myself for good para hindi nakakahiya sa future ko! Tinawanan nila ako. Tinawanan ko din sila. Sagot ko sa mga tanong nila "Kaya ako nagpopost ng ganun para malaman niyong blessed ako at kayo" Hindi ko pinopost yun to impress. Hindi ko gagawin yun para sa isang tao. Kung ginagawa ko man to para sa ibang tao eh dahil sa magandang rason. Dahil gusto kong mabasa nila at mabuhayan sila ng faith! Para malaman nila na kahit gaano sila kalayo kay Lord babalik at babalik sila. Na kahit anong malas ang abutin ko/nila eh still bine-bless niya pa din tayo. Inisip ko, ganun ba talaga kasama ang ugali ko para kwestyunin nila yung gawain kong yun, haaaay siguro nga pero tignan mo naman! I'm best with Jesus! Nakakaproud kaya! Changing for the best! Actually not totally change pero nastrengthen yung faith ko. Pangit mang tignan dahil kung kailan ako namroblema tsaka ako nag-seek ng help niya pero ang sayang isipin na sa dami ng pwedeng mangyari sa buhay ko, yung pagtaas pa ng faith ko! Hay saraaaap!
Hehe tinatawanan nila ako sa pagiging Godly kuno ng aking wall. Tawanan ko na lang din sila. Love ko sila eh
Because in every relationship there comes a point when the damage is too much and no matter how good it once was, the memories can’t sustain you. You have to save yourself knowing all the while it will hurt like hell. Because you can’t keep giving someone everything if you get nothing in return.
More quotes about heartbreak here (via thelovewhisperer)