Kahalagaan ng pananampalataya sa isang pangkat ng tao
Ano ba ang paniniwala natin? Ang pangunahing paniniwala dito sa Pilipinas ay ang paniniwalang Aminism. Paniniwala na ang mga munting bagay ay mga encantong espiritu, paniniwala sa mga simbolo, sa mga diyos at diyosa.
Bakit ito mahalaga? Bakit ba kailangan natin ito matutunan. Dahil ang ating mga ninuno ang mga nauna saatin. para maging mas malapit saating etniko, kagaya ng mga Ifugao, Ati, at Negrito. Lalo na ngayon na tayo ay lumalayo sa ating mga tradisyon at paniniwala. Kagaya ng mga Negrito, na naniniwala na dapat respetuhin ang mga kagubatan at mga katubigan para sa mga naninirahang mga espiritu. Mga iba namang mga tradisyon, kagaya ng pag kakasal ng panganay na anak sa ibang pangkat ng tao para magkakapayapaan ang dalawang pangkat.
Dapat pantayin natin ang modernisasyon at tradisyon. Para tayo ay tuloy mag-unlad sa paraan ng kabutihan at maari paring maging malapit saating lahi.













