One Nice Bug Per Day

Product Placement
KIROKAZE
cherry valley forever
Keni
macklin celebrini has autism
🪼
tumblr dot com
noise dept.

shark vs the universe
Sweet Seals For You, Always
art blog(derogatory)
Show & Tell
YOU ARE THE REASON
Interview Vampire Daily
RMH

PR's Tumblrdome
Phantogram Three
I'd rather be in outer space 🛸

roma★

seen from Brazil

seen from Vietnam
seen from Brazil

seen from Australia

seen from Ireland
seen from United States
seen from Australia
seen from Uruguay
seen from Bangladesh
seen from Brazil
seen from Canada

seen from Australia
seen from United States
seen from United States
seen from Australia
seen from Poland

seen from United States
seen from Philippines
seen from United States
seen from Japan
@emetsyoulikecrazy
MORE HERE | INSTAGRAM | FACEBOOK
Tama nga ang sabi nila, darating at darating yung isang araw sa buhay natin kung saan susubukin tayo ng buhay.. kung gaano tayo katatag. May mga bagay na di natin lubos maiintindihan kung bakit ito nangyayari pero sa ating araw-araw na pamumuhay, unti unti nating mararamdaman ang rason ng lahat. Nasasaktan man tayo ngayon, bukas.. wala na yung sakit. Depressed man tayo sa pagkakataong ito, sa mga susunod na araw ay paniguradong ngingiti na tayo.
Isa ako sa mga katulad ng ibang gising sa mga oras na to. Nagmumuni. Iniisip kung bakit ganito ang buhay.. kung bakit parang pasan ko ang daigdig sa bigat ng aking nararamdaman. Litong - lito kung bakit kailangang mangyari sakin ang lahat ng paghihirap na nararanasan ko. Tinatanung kung bakit kailangan kong maging malungkot. At ang pinakamalala, minsan hinihiling ko na sana, kunin na lang ako ng tuluyan ng Diyos para di na ko masaktan.
Ang sakit kase ng mga pangyayari sa buhay ko these past couple of months. Ikaw ba naman ang mabagsak sa isang subject mo sa Accounting.. kung saan sana ay last sem mo na.. Yung tipong malapit ka na sa finish line sa pagtakbo, dun ka pa napilay kaya imbes na matapos ka, magpapahinga ka.. o kaya’y di na makakarating sa finish line o di kaya nama’y makakarating ka, pero ibang way.
Oo. Nabagsak ako. Isa na siguro ito sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Yung akala ng mga magulang mo, gagraduate kang BSA at magmamartsa sila. Paano ko sasabihin na baka di nako maging CPA.. o di kaya’y madedelay na naman ako.. o di kaya’y magshishift nalang.
Kahit na anong maging desisyon ko, masakit parin. Ansakit. Kase I ended up shifting to Accounting Technology para lang makagraduate this year. Oo. Magmamartsa mga magulang ko sa April, pero hindi na BSA. Alam kong masakit sa part ko, pero mas masakit sa part nila.
Ang sakit sa pakiramdam yung araw - araw, gigising kang may lungkot parin sa loob mo, kase nadisappoint mo ung mga taong umaasa sayo. Yung tipong ang laging sambit nila sayo ay ang mga katagang “Bakit si ganito, nakapasa.. bakit si ganyan nakaya niya?” Ang hirap maicompare sa iba. Masakit yung tipong failure ka na nga, pinaparamdam pa nila lalo.
Pero sa kabila ng lahat ng nangyari, kelangan mong bumangon. Kelangan mong ipakita sa lahat na kaya mong umangat sa kabila ng iyong pagkabagsak. Maging masaya ka sa kwento ng buhay mo. Magtiwala ka Sakanya, sa mga plano Niya sayo.
LOVE NA LOVE NIYA TALAGA AKO. Noon. -.-
Answeet noh? Kinilig ako dati dyan. Pero pag nababasa ko yan ngayon, nadudurog puso ko. Pagtanda natin, may sari-sarili na tayong buhay. Nangako ka noon, na tayo hanggang sa huli. Pero wala eh.. Wala talaga!
ILOVEYOU? Oo. Mahal din kita. Mahal mo rin ako.. PERO NOON LANG YUN. Ngayon? Wala na.
PAGPRAY NAK? Oo. I always do. We became prayer partners. PERO NOON LANG YUN. Ngayon? Ako nalang ang nagppray for you. Kase kahit baliktarin natin ang mundo, naging parte ka parin ng buhay ko at lagi kong pinagdarasal na sana okay ka lang at alam ko namang di ka Niya pababayaan.
MAMAYA NLANG HA? Oo. Naiintindihan kita. Kahit na busy ka, hindi ka parin nawawalan ng time for me. PERO NOON LANG YUN. Ngayon? Yung mamaya mo, never na ata sa bokabularyo ko.
BABE? Oo. Babe tawagan namin, pero hindi kami. Brad/ Oink/Bink/ Partner. Mdami kaming tawagan. Taob pa namen ang magjowa. PERO NOON LANG YUN. Ngayon? Ni di mo na nga ako kilala kahit sa pangalan man lang.
Naalala ko pa nung pumunta kaming Baguio, I took a picture of him without him knowing. Nakita niya sa phone ko, and nagustuhan niya. Ginawa niyang Profile picture sa Facebook and tinag niya sakin.
Halos lahat ng mga pictures niya tinatag niya sakin kahit wala akong mukha doon. Noon, kasama ako sa mga plano niya. Noon, alam kong sa mga desisiyon nya sa buhay, andoon ako. Akala ko nga noon, forever na kami. Na kaya niyang mag antay hanggang sa maging CPA ako at maging pwede na. Pero di pala.
Nagbabago ang lahat ng bagay, alam nating lahat iyon. Pero para sakin, ansakit pala ng pagbabago. Magugulat ka nalang isang araw, ibang iba na siya sa nakilala mo.
At ang pinakamasakit sa lahat.. pati ang pagmamahal niya sayo..
NABAGO.
NAWALA.
TULUYANG NAGLAHO.
Minsan, may mga bagay na kahit gusto mo ng kalimutan ay bigla bigla itong magpapakita at magpaparamdam ng di mo namamalayan. So eto nga, naglilinis ako ng laptop ko. Eh sa sobrang dami ba naman ng laman eh medyo ambagal na kaya minabuti kong magdelete ng mga di na kailangan. Mula sa mga pictures, hanggang sa mga school files at videos. Kasabay ng pagbura ng mga to ay ang paglimot sa mga tao at bagay na dapat ng kalimutan.
101
Totoo nga atang panandalian lang ang ligaya.. Masaya ka ngayon, pero di mo alam kung ano na ang mangyayari mamaya. Tumatawa ka ngayon, pero pagkatapos ay malulumbay ka at luluha. Life is unpredictable. Hindi mo alam kung kailan ka sasaya na hindi susundan ng pagluha. Pero ang mahalaga, naging masaya ka. Kahit sa konting oras ay naranasan mong maging maligaya. Huwag mong isipin ang susunod na mangyayari. Huwag mong pangunahan ang mga bagay-bagay. Minsan ka lang mabubuhay. MAGPAKASAYA KA!
Been cleaning my files in my laptop, surprisingly.. I find many MS Word files containing some daily happenings in my life, open letters and others. And I have decided to post it all here.
RELATE MORE HERE | LIKE US ON FACEBOOK
At 2:00 AM, when you can’t sleep and all those shits are all coming back to your mind. Tears start to fall from your weak eyes, looking at the ceiling.. realizing that you’re not alone in your room. You are with your other self, the one who says “It’s enough. Stop.”
TO MY ACCOUNTING INSTRUCTOR WHOM I WILL NEVER FORGET
Dear Maam G,
Hindi ko po alam kung mababasa niyo ito. Hindi ko po alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko po alam yung mga tamang salitang sasabihin ko sa inyo. Mula sa kaloob-looban ng aking puso, gusto ko pong magpasalamat. Thank you Maam for believing me, sa kakayahan ko at sa pangarap ko. Nung mga panahong hindi ko pa alam yung grade ko sa AdvAcc, nawawalan na ako ng pag asa. Yung 76 na Midterm grade ko, dagdagan mo pa ng 60% na Average Quiz na kung tutuusin ay di ko na alam kung ano nalang magiging Class Standing ko dahil dun. Tapos yung naiyak ako kase yung exam ko sa Theories na namental block ako plus yung sa problems na iisa lang talaga ang sure na sagot ko. Nung mga times po na yun, di ko po talaga alam kung ano gagawin ko. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta at kung sinong lalapitan ko. Halos gabi- gabi akong umiiyak. I pray for God na sana magkaroon ng miracle. Kase to be honest po, sa milagro nalang po ako umaasa. Dumating ako sa point na nagmamakaawa na ko sa Diyos para tulungan niya ako. Yes, I do made a promise po kay God na magtitino na ako basta maipasa ko lang yung Advanced Accounting ko. Everytime na pumupunta akong San Fernando, dumadaan ako lagi sa may Adoration Chapel. Doon po ako umiiyak habang nagdarasal kay God na dinggin niya ang mga panalangin ko. Lagi din akong nagtitirik ng kandila sa simbahan, praying for good things to happen. Hindi po ako naging makasarili. I pray for all of us na sana makapasa. Naging gawain ko na po yan ng ilang days bago ko malaman yung resulta ng pinakaaantay ko sa lahat.
You remember Maam, ako po yung nagtext sa inyo kung pwede bang mag re exam incase na sumabit yung grade? SORRY po. Naging desperado lang po kase ako sa mga oras na yun. Hindi ko na po kase alam yung gagawin ko nang marinig kong nag aaway ang mga magulang ko dahil sa akin, dahil sa possibility na magsusummer ako if ever na mabagsak ko yung subject. That time, di na po ako nakapag isip ng maayos kaya nagawa kong tanungin yun po sa inyo. Pumunta po ako kina Ryan yung day din po na tinext ko kayo then binungad niya sakin yung katagang “Nabasa mon jay post ni Maam Heide? Beastmode met.” Lumakas yung pintig ng puso ko lalo nung nabasa ko yung post mo po. Diko napigilang umiyak. Ako na po yung usap usapan sa Group Chat namen without them knowing na ako yung nagtanung. So ginawa ko yung dapat, Inamin ko sa mga kaklase ko na ako yung dahilan ng post. I made an apology. And I think it’s one of the bravest thing I did.. yung umamin at tanggapin ang maling nagawa ko. Sa loob-loob ko, “Baka imbes na maawa si Maam sakin, wala na. Galit na siya.” Yung chance na pumasa ako that time, biglang nagdown to zero. Wala akong ibang ginawa nung araw na yun kundi ang umiyak ng umiyak. I admit it.. kamuntikan na akong nawalan ng pag asa nung una. Pero God made a way para wag akong sumuko. I did pray and pray and pray. Kase for me, yun na lang ang pinakadabest na magagawa ko.
Here comes March 21, 2016, pinatawag mo po kami sa school. Wala po akong ideya kung anong mangyayare sa akin sa pagtatapos ng araw. Im hoping. Im praying. God is in control. At magtitiwala ako Skanya. Yan ang mga nasa isip ko nung mga times na yun. Judgment day. Ako po yung una mong kinausap. Tumigil ang mundo ko sa mga unang narinig ko po sa iyo. Akala ko po, wala na talaga. Pero GOD IS SO GOOD.. the moment na sinabi mo po saking I deserve to pass, doon na ako sobrang naiyak, pero hindi na dahil sa pag aalala kundi sa sobrang tuwa. THANK YOU MAAM. Thank you for believing in me. Thank you po at nakita mo yung kakayahan kong mismong sarili ko ay di nakita. Salamat sa pagtitiwala. Salamat sa pagbibigay ng isa pang pagkakataon. Salamat Maam. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Ipapakita ko po sa inyo na hindi po kayo nagkamali sa napakalaking desisyong ginawa nyo. Hindi niyo po pagsisisihang pinasa niyo po ako. Hinding hindi ko po kayo bibiguhin.
MARAMING SALAMAT PO, MA’AM HEIDE GURTIZA.
Love,
Emetess Fontanilla Catbagan, FUTURE CPA
RELATE MORE HERE | LIKE US ON FACEBOOK
One day. Maybe one day, I will get over you. One day, I can wake up with a smile in my heart. No more worries about the memories we shared. And I am waiting for that one day.
RELATE MORE HERE | LIKE US ON FACEBOOK
Hindi ko alam kung ano ang rason mo at bigla nlang isang araw ayaw mo na. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyare. Masaya naman tayo noon. Pero bakit ganun? Isang araw, nagising ka nalang at sasabihin mong "Hindi tayo para sa isa't isa." Nirerespeto kita. Nirerespeto ko desisyon mo. Wala eh. Wala talaga. Minahal kita. Alam mo yan. Sobra sobra ung pagmamahal ko sayo, di man naging tayo pero sana naramdaman mo yun. Salamat sa limang taon na nagstay ka sa puso ko. Salamat sa mga ala ala. Salamat sa pagpapasaya sakin. Salamat. Salamat sayo, mas nakilala ko pa sya ng lubusan, at alam kong kahit na iniwan mo ko, hinding-hindi niya ako iiwan.
more quotes here
We believe in you. <3